Ang kabihasnang Harappa ay umusbong noong 3300 BCE sa bahagi ng Timog Asya na tinatawag na tangway ng India.
Ang kabundukan ng Himalaya, ang kapatagan ng Indi-Ganges na tinatawag na Hindustan at talampas ng Deccan
Sa lungsod na ito ay nahukay ang pinakamalaking lungsod na kabilang sa kabihasnan sa Lambak Indus
Ipinapalagay ng mga dalubhasa na ang lungsod na ito ang nagsisilbingsentro ng sinaunang kabihasnan
Ang nahukay na lungsod sa Mohenjo- Daro ang sumunod na pinakamalaki sa mga lungsod na ito.
Ang Harappa ay napalilibutan ng mga pader na may kapal na 40 talampakan
Tirahan ng mga taga-Harappa na gawa sa mga pinatuyong ladrilyo
Isang natatanging katangian ng lungsod ay ang pagkakaroon nito ng maayos na sistema ng daluyan ng tubig at alkantarilya/ sewerage.
Matatagpuan sa Mohenjo-Daro ang dambuhalang paliguan na tinawag na Great Bath.
Natagpuan din ng mga arkeologo ang mga pantatak (stamp seals)
May natuklasan din na mga pigurin na yari sa terakota sa ilang lungsod ng kabihasnang Harappa. Ipinapalagay din ng mga arkeologo na maaring sumamba ang mga taga-harappa hindi lamang sa lalaking diyos kundi pati na rin sa mga babaeng diyos.
Sa kabila ng mayamang kultura at kakayahan ng mga taga-Harappa ay bumagsak din ang ang kanilang kabihasnan noong 1500 BCE.
Ayon sa mga naunang teorya ay sinakop ito ng mga banyagang pangkat-tniko na tinatwag na Aryan . Ngunit, batay sa bagong pananaliksik ay lumilitaw na noong 1900 BCE pa lamang ay humina na ang kabihasnang Harappa.
Ang mga Aryan ay isang pangkat-etniko na nagmula sa Hilagang Asya na gumamit ng salitang Indo-Europeo. Nagsimula ang kanilang pandarayuhan noong 2500 BCE hanggang sila ay umabot sa Timog Asya noong 1500 BCE,
Noong 1500 ay nadatnan nila ang mga Dravidian. Ang mga Dravidian ay isa sa mga pinakaunang nanirahan sa India.
Ilan sa mga hayop na pinapastol ng mga Aryan ay tupa, kambing at kabayo para sa gatas, karne at katad. Ngunit ang pinakamahalagang hayop para sa mga Aryan ay ang baka.
Ang madalas na tunggalian sa isa't isa ng mga Aryan ay nagpapakita ng kanilang pagiging mandirigma. Ang ganitong kultura ay nakatala sa sagrdang teksto na tinatawag na Vedas.
Ang Vedas ay mula sa salitang vid na nangangahulugang karunungan.
Nahahati sa dalawnag yugot ang pagkabuo ng kulturang Aryan batay sa mga kasulatang ito: ang panahong matandang vediko (1500 - 1000 BCE) at ang panahong bagong vediko (1000 - 500 BCE)
Sa Panahong Matandang Vediko, unang nakarating ang mga Aryan sa lambak ng Ilog Indus.
Ang Rig Veda ay pinakaunang teksto ng Vedas. Ayon sa Rig Veda, may mga kalaban na nadatnan ang mga Aryan sa kanilang pagdating sa India.
Isang lipunang patriyarkal ang namayani sa panahon ng mga Aryan, kung saan ang mga pamilya ay nagsasama-sama upang makabuo ng isang angkan.
Ang tribu o jana ay ang pinakamalaking anyo ng organisasyon sa panahon na iyon. Ito ay pinamumunuan ng isang raha na pinipili ng mga kasapi ng tribu.
Ang lipunang Aryan noong panahong iyon ay tumatalima sa prinsipyong egalitaryanismo o pagkapantay-pantay ng mga tao, liban na lamang pagdating sa kulay ng balat ng tao.
Nagbago ang pamumuhay ng mga Aryan pagsapit ng 1000 BCE dahil sa pagkatuto nila ng paggamit ng bakal.
Sa sistemang kasta ay hinati ang lipunan sa apat na grupo o kasta: Brahmin (pari,dalubhasa,iskolar), Kshatriya (hari, mandirigma,), Vaishya (mangangalakal, artisano), Shudra (manggawa)
Ang hindi tutupad sa kanyang tungkulin ay maaring itiwalag sa kanyang kinabibilang kasta at iuri bilang Dalit (untouchable). Itinuturing pinakamababang uri ng tao sa ipunang Aryan.
Sa Panahong Bagong Vediko, naitala ang vedas gamit ang wikang Sanskrit.
Kabilang na ang pinakakilalang epiko na Mahabharata. ANg Mahabharata ay naglalaman ng kuwento ng mga hari at kung paano nila ginampanan ang kanilang tungkulin bilang Kshatriya sa kabila ng kanilang pagnanais na tigilan na ang pakikidigma.
Ang pag-usbong ng Hinduismo sa India ay nagdaan sa isang mahabang proseso kung saan nagawang maiangkop ang mga kaugalian at paniniwala ng iba't ibang kabihasnan.
Baka bilang sagradong hayop sa Hinduismo.
Pagsasama ng mga paniniwala sa isang anyo ay tinatawag na syncretism.
Ayon sa aral ng Hinduismo, ang bawat bagay na may buhay ay nalikha mula kay Brahman, ang kinikilalang pangunahing panginoong ng Hinduismo.
Lahat ng bagay na may buhay ay may bahagi ni Brahman na kung tawagin ay atman o kaluluwa.
Ang tanging layunin ng bawat tao ay makabalik sa kabuuan ni Brahman. ]
Dahil sa masama o maruming pamumuhay ng isang tao sa daigdig, dumadaan siya sa tuloy-tuloy na siklo ng muling pagsilang at kamatayan na tinatawag na samsara. Ang paglaya sa samsara upang makabalik sa kabuuan ni Brahman ay tinatawag na moksha.
Unang nakarating ang mga Aryan sa lambak ng Ilog Indus.
Unti-unting nasakop ang mga Dravidian ng mga Aryan. (PMV)
· Patuloy na nararanasan ng mga Dalit ang diskriminisasyon sa lipunang Indian. (PMV)
Nakatala ang pakikidigma ng mga Aryan sa mga Dravidian at sa ibang mga grupo ng tao sa lambak ng Ilog Indus. (PMV)