Payak - ang salita kung wala itong panlapi, walang katambal, at hindi inuulit. Binubuo ito ng salitang-ugat lamang ang hitaan সায় Halimbawa: anak, kapatid, bahay
Maylapi - ang kayarian ng salita kung binubuo ito ng salitang-ugat na may kasamang panlapi.
unlapi -panlaping kinakabit sa unahan ng salita
gitlapi - panlaping nasa gitna ng salita
hulapi - panlaping ikinakabit sa hulihan ng salita
kabilaan - panlaping ikinakabit sa unahan at hulihan ng salita
laguhan - panlaping ikinakabit sa unahan, gitna, at hulihan ng salita
inuulit - ang kayarian ng salita kapag ang kabuoan o isa o higit pang pantig sa dakong unahan ay inuulit.
May iba't ibang uri ng pag-uulit: ganap, parsiyal, magkalahong ganap at parsiyal.
Tambalan - ang kayarian ng salita kung ito ay binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita lamang.