Mga Dalit

Cards (4)

  • pastoral (dalitbukid) - na ang tunay na layunin ay maglarawan ng tunay na buhay sa bukid. Ang ganitong uri ng pamumuhay ang karaniwang kinagigiliwang paksa sa tulang liriko. Isang halimbawa nito ay ang "Bahay-Kubo" na isinulat ni Victor S. Fernandez.
  • Oda (dalitpuri) - na sa makabagong panulaan ay isang uri ng tulang liriko na may kaisipan at estilong higit na dakila at marangal. Wala itong tiyak na bilang ng pantig o kaya'y tiyak na bilang ng mga taludtod sa isang taludturan. Isang magandang halimbawa nito ay ang tulang "Manggagawa" na isinulat ni Jose Corazon de Jesus. 
  • dalit (dalitsamba) - naman ay isang maikling awit na pumupuri sa Diyos. Ito ay isang maikling tulang liriko na nilikhang may aliw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta. Kalimitan itong wawaluhing pantig na may dalawa, tatlo, o kaya'y apat na taludturang may apat na taludtod bawat isa.
  • soneto (dalitwari) - ay tulang may labing-apat na taludtod. Karaniwang ang unang walong taludtod ay nagpapahayag ng isang pangyayaring nagwawakas sa isang malubhang suliranin o sa pagtataka sa malalim na kahulugan ng buhay at kalikasan.