Uri ng Pang-Abay

Cards (11)

  • Pamanahon - Nagsasaad ng panahon kung kailan ginawa ang kilos ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na kailan.
  • Panlunan - Nagsasaad ng pook, lunan, o lugar na pinangyayarihan ng kilos. Sumasagot ito sa tanong na saan at nasaan.
  • Pamaraan - Nagsasaad kung paano ginaganap ang kilos na sumasagot sa tanong na paano.
  • Pang-agam -Nagsasaad ito ng pag-aalinlangan o kawalang katiyakan.
  • Ingklitik - Kataga sa Filipino na karaniwang nakikita pagkatapos ng unang salita sa pangungusap.
  • Benepaktibo - Ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng pariralang pinangungunahan ng para sa.
  • Kawsatibo - Ito naman ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan ng pagganap sa kilos ng pandiwa. Ito'y makikilala sa parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.
  • Kondisyonal - Pang-abay na nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may mga sugnay o pariralang pinangungunahan ng kung, kapag o pag, at pagka.
  • Panang-Ayon - Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ang mga halimbawa nito ay oo, opo, tunay, talaga, totoo, sadya, at iba pa. 
  • Pananggi - Ito naman ang mga pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw. 
  • Panggaano - Ang pang-abay na ito ay nagsasaad ng sukat o timbang.