Anong uri ng tula ang ihahandog mo sa isang taong binibigyan mo ng papuri dahil sa karangalang inihatid niya sa bayan?
oda
Tulang may sagutang itinatanghal ng magkakatunggaling makata ngunit hindi sa paraang padula?
tulang patnigan
Isang tulang pumapaksa sa malungkot na damdamin kaugnay ng kamatayan o pagyao ng isang mahal sa buhay.?
elehiya
Ang bida sa kwentong ito ay isang tao na may mga pambihirang katangian at itinuturing na isang bayani sa kanyang lugar.?
tulabunyi
Tula na sadyang isinulat upang ipalabas sa entablado?
tulang dula
Hango ang pangalan ng tulang patnigang ito mula kay Jose Corazon de Jesus, na ang layunin ay makapagbigay-aliw sa pamamagitan ng malatotoong kayabangan, panunudyo, o palaisipan.?
batutian
Isa itong debateng patula na may seryosong himig. May lakandiwang namamagitan sa pagtatalong ito.?
balagtasan
Tulang isinulat upang ilarawan o isalaysay ang buhay sa kabukiran at anumang may kinalaman sa pagsasaka o agrikultura.?
pastoral
Ang uri ng tulang ito ay itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang pagbuhay-buhay.?
tulang liriko
Tulang nauukol sa matimyas na pagmamahal, pagmamalasakit, at pamimighati ng isang mangingibig.?
awit
Tulang maikling awit na pumupuri sa Diyos.?
dalit
Ang tulang ito ay may labing-apat na taludtod.?
soneto
Ang uri ng tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa pamamagitan ng mga taludtod.?
tulang pasalaysay
Ang tulang ito ay may mga pangyayari at kawilihan na napipisan sa pagbubunyi sa isang bayani sa isang alamat o kasaysayang naging matagumpay sa mga panganib at kagipitan.?
epiko
Ito ay tulang pasalaysay na mahirap makilala ang kaibahan sa epiko. (tinatamad n aq maglagay ng info nawala ung net nang tinype ko tong lahat)?
metrical romance
Ang tulang salaysay ay naging payakat itinatawag itong tulakanta.?
metrical tale
Tula na awit na isinasaliw sa sayaw subalit nang lumao'y nakilala ito bilang isang tulang kasaysayang nasusulat sa mga taludtod na wawaluhin o aaniming pantig at sa isang paraang payat at tapatan.?