Elemento ng Tekstong Naratibo

Cards (9)

  • Tauhan
    • ito ang mga gumaganap sa loob ng teksto/panitikan ang dami o bilang ng mga ito.
  • Dalawang paraan sa pagpapakilala sa tauhan
    • Expository – kung saan ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan
    • Dramatiko – kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag.
  • Mga Tauhan
    • Pangunahing Tauhan - sakanila umiikot ang mga pangyayari sa kuwento mula sa simula hanggang sa katapusan.
    • Katunggaling Tauhan - sila ay siyang sumasalunggat o kalaban ng pangunahing tauhan. Isa siya sa bumubuhay ng kuwento.
    • Kasamang Tauhan - sila ay karaniwang kasama o kasangga ng pangunahing tauhan. Tungkulin niyang sumuporta, magsilbing hingahan o kapalagayan ng loob.
    • Ang may-akda - sila ay laging magkasama sa kabuan ng ay laging magkasama sa kabuan ng akda, sapagkat sa likod ng kwento ay nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.
  • dalawang uri pa ng tauhang makikita sa naratibo
    • Tauhang Bilog - isang tauhang may maraming saklaw ang personalidad. Nagbabago ang taglay niyang katangian.
    • Tauhang Lapad - tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangian madaling matukoy. Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian nito.
  • Tagpuan at Panahon
    • Ito ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganapa ng mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon(oras, petsa, taon) at maging sa damdaming umiiral sa kapaligiran nang maganap ang mga pangyayari tulad ng kasayahang dala ng pagdiriwang sa isang kaarawan, takot sanhi ng malakas ng hangin dala ng paparating na bagyo.
  • Banghay
    • Ito ang tagwag sa maayos na daloy o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa mga tekstong naratibo upang bigyang linaw ang temang taglay ng akda.
  • ANACHRONY
    • mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkasunod-sunod
  • Anachrony
    • Analepsis(Flashback)- Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
    • Prolepsis(Flash-Forward)- Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
    • Ellipsis- may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysayna tinanggal o hindi isinama.
  • Paksa at Tema
    • Ito ang sentral na ideya kung umiikot ang mga pangyayari sa tekstong naratibo. Mahalagang malinang ito ng husto sa kabuoan ng akda upang mapalutang ng may-akda ang pinakamahalagang mensaheng nais niyang iparating sa kanyang mambabasa.