Ang pagbasa ay isang pro-seso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto
Intensibong pagbasa
Pagsusuri sa kaanyuang gramatikal, panandang diskurso
Ekstensibong pagbasa
Makakuhang pangkalahatang pag-unawa sa maramihang bilang ng texto
Imbak na kaalaman
Mahalaga ang imbak na kaalaman (stock knowledge) ng isang nagbabasa upang mas malalim na maunawaan ang mga konsepto at impormasyong. natatagpuan sa tekstong binabasa
Scanning
Mabilisang pagbasa ng isang teksto at ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinatakda bago bumasa
Skimming
Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto
Primarya
Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa
Mapagsiyasat
Nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito
Analitikal
Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-lisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng teksto at ang layunin ng manunulat
Sintopikal
Nakabubuo ka ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa mo