Cards (28)

  • Bernales et al. (2002): 'Ang wika ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring verbal o di verbal'
  • Ayon kay Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000), "Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao."
  • Bienvenido Lumbera (2007): 'Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin'
  • Kahalagahan ng Wika
    • Instrumento ng Komunikasyon
    • Pagpapanatili, pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura ng bawat grupo ng tao
    • May sariling wikang ginagamit ang isang bansa
    • Lingua-franca (makapagusap at magkaunawaan)
    • Tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman
    • Pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaisa
  • Mga Kalikasan ng Wika
    • Ang wika ay Masistemang balangkas
    • Ang wika ay Arbitraryo
    • Ginagamit ang wika ng pangkat ng mga taong kabilang sa isang kultura
    • Ang wika ay Dinamiko
    • Magkabuhol ang wika at kultura dahil sinasalamin nito ang paraan ng pamumuhay ng mga tao
  • Wikang Pambansa: Ito ay ang natatanging wika na representasyon ng isang bansa at may koneksyon sa lahat ng wikang umiiral sa bansa
  • Ito ay ginagamit na may Sistema at binubuo ng mga tunog o mga letra para maihayag ang gustong sabihin. 

    Wika
  • Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
  • Ayon kay Mangahis et al. (2005), Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
  • Ayon kay Alfonso Santiago (2003): 'Wika ang sumasalamin sa mga: - ng tao sa lipunan.
    -mithiin
    -lunggati
    -pangarap
    -damdamin
    -kaisipan
    -saloobin
    -pilosopiya
    -kaalaman
    -karunungan
    -moralidad
    -paniniwala
    -kaugalian
  • Iba't ibang halimbawa ng Wika:
    • Tagalog
    • Sinugbuanong Binisaya
    • Ilokano
    • Hiligaynon
    • Samar-Leyte
    • Pangasinan
    • Bikol
  • Nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika. 

    Dayalekto
  • Kapag hindi nagkakaintindihan ang dalawang nag-uusap na gumagamit ng magkaibang wika, ibig sabihin, bawat wikang ginagamit nila ay hiwalay na wika.
  • Wikang katutubo sa isang lugar o pook.
    Bernakular
  • Bernakular ay tinatawag ding wikang panrehiyon.
  • Kakayahan ng isang tao na magsalita ng dalawang wika.
    Bilingguwalismo
  • Ito ay tungkol sa kakayahan ng isang tao na makaunawa at makapagsalita ng iba’tibang wika.
    Multilingguwalismo
  • Ayon sa Artikulo XIV, Sekyon 6 ng Konstitusyon ng 1987, "ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino."
  • Nililinang ng Artikulo XIV, Sekyon 6 ng Konstitusyon ng 1987 na dapat ay pagyabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.”
  • Ito ay ang wikang ginagamit sa pagtuturo sa pag-aaral sa loob ng paaralan. 

    Wikang Panturo
  • Iniaatas din ng Konstitusyon ng 1987 ang paggamit sa Filipino bilang wikang panturo.
  • Ito ay itinadhana ng batas para sa wikang gagamitin sa komunikasyon.
    Opisyal na Wika
  • Ayon sa Artikulo IV, Seksiyon 7 , “Ang mga wikang opisyal sa Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.”
  • Pinakamaliit na yunit ng tunog
    PONEMA
  • Pagaaral sa mga ponema
    PONOLOHIYA
  • Pinakamaliit na yunit ng salita
    MORPEMA
  • Pagaaral sa pagbuo ng mga salita
    MORPOLOHIYA
  • Pagaaral hinggil sa kahulugan o ibig sabihin ng pangungusap/salita.
    SEMANTIKS