ARALING PANLIPUNAN Q3

Cards (57)

  • Pagbubuwis - Proseso ng pagpapataw at pangongolekta ng buwis ng pamahalaan sa mga mamamayan
  • Pinakamainam na paraan upang makalikom ng salapi ang pamahalaan ay sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.
  • Buwis - Pera na dapat ibayad ng mga tao sa pamahalaan
  • Tax base - Bilang ng mga mamamayang nagbabayad ng buwis
  • Necessity theory - Pinapakita ang kahalagahan ng paglikom ng sapat na pondo upang mapanatili ang pamahalaan
  • Maging si Adam Smith ay nagsabing tungkulin ng mga mamamayan na magbayad ng buwis sa pamahalaan upang ang lahat ng gampanin nito ay maisakatuparan.
  • Benefit-Received Principle - Karapatan ng mga mamamayan na makatanggap ng mga pampublikong serbisyo mula sa pamahalaan kapalit ng pagbabayad nito ng buwis
  • Fiscal Adequacy - Kailangan ay sapat ang mga pinagkukuhanan ng pondo ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangang piskal nito
  • Equality Justice - Ang tungkulin na magbayad ng buwis ay dapat nakabatay sa kakayahang magbayad nito
  • Personal - uri ng buwis na ipinapataw sa paninirahan ng isang tao sa isang lugar
  • Property - ipinapataw na buwis sa mga pag-aari o ari-arian ng isang indibidwal
  • Excise - ipinapataw ito sa mga pagganap o paglahok ng okupasyon.
  • Direct - ang buwis ay binabayaran ng mismong taong kumikita. Ito'y hind puwede ilipat ang pasanin sa iba.
  • Indirect - ang buwis na ito ay maaring ipasa ng taong mismong kumita sa ibang tao. Halimabawa ay Expanded Value-Added Tax.
  • Specific - nagpapataw ng tukoy na halaga ng buwis batay sa libro o isang pamantayan.
  • Ad valorem - kailangang matukoy muna ang halaga ng isang bagay bago mapatawan ng buwis.
  • National - buwis na ipinapataw ng pambansang pamahalaan
  • Local - ipinapataw ng lokal na pamahalaan ayon sa kapangyarihan
  • Progressive - kapag malaki ang kita, malaki rin ang buwis na babayaran
  • Regressive - maliit ang buwis kapag malaki ang kinikita
  • Proportional - ang buwis ay batay sa kategoryang kinabibilangan ng isang indibidwal.
  • General - buwis na ipinapataw para sa pangkahalatang layunin ng pamahalaan
  • Special - ipinapataw na buwis para sa espesyal na layunin.
  • Bureau Internal Revenue - ahensiya na namamahal at nangangasiwa sa pangongolekta ng iba't ibang uri ng buwis
  • August 1, 1904
    Petsa kung kailan tinatag ang BIR
  • Republic Act 10963 - Batas sa pagkakatatag ng TRAIN law
  • Pambansang Badyet - taunang pormal na pahayag ng mga kikitain at gagastusin na pinaplano ng pamahalaan para sa susunod na taon.
  • Ang Department of Budget and Management (DBM) ang namamahala sa preparasyon ng kahuli-hulihang badyet o alokasyon matapos ang mahabang konsultasyon at deliberasyon sa iba pang sangay ng ating pamahalaan.
  • Sa Kongreso, nasa Mababang Kapulungan ang ekskilusibong power of the purse na magsiyasat, magtanong, at magbawas o magdagdag ng inihaing pambansang badyet.
  • General Appropriations Bill - siya ang nagsusumite sa Pangulo upang maaprubahan.
  • General Appropriations Act - ang mga Pangulo ang nagaapruba at ito'y maaring magbago dahil sa veto power.
  • Veto Power - ay kapangyarihan na hindi sumang-ayon sa isang batas na ipinapanukala sa Kongreso.
  • Disyembre 23, 2014 - nilagdaan ni Benigno S. Aquino III ang RA o GAA para sa taong 2015
  • Ano ang RA number ng GAA ni Benigno Aquino S. III??
    Republic Act No. 10651
  • Ano ang RA No. ng GAA ni BBM?
    Republic Act No. 11936
  • Implasyon ay naglalarawan ng patuloy na pagtaas sa pangkahalatang presyo ng mga pangunahing bilihin sa pamilihan.
  • Oil-push inflation - ang pangkahalatang presyo ng mga pangunahing bilihin ay tumataas dulot ng pagtaas ng presyo ng petrolyo o langis.
  • Demand-pull inflation - nangyayari ang ganitong implasyon kapag marami ang panustos ng salapi sa sirkulasyon ngunit mababa ang panustos ng produkto ng pamilihan.
  • Cost-push inflation - Nagaganap naman ito kapag ang gastusin ng mga bahay-kalakal para makalikha ng produkto o cost of production ay tumataas.
  • Deplasyon ang patuloy na pagbaba ng pagkahalatang presyo ng mga pangunahing bilihibn sa pamilihan na nagdudulot ng pagtaas ng halaga o kapasidad ng pera na makabili ng mga produkto.