g2

Cards (26)

  • Ang Dalawang Hakbang sa Mapanuring Pagbasa
    Pakikiramdam at Pakikipag-ugnay sa Teksto
  • Pakikiramdam sa teksto
    Tumutukoy sa mga panimulang hakbang upang kilalanin ang teksto
  • Hakbang sa Pakikiramdam sa Teksto
    1. Pahapyaw na basahin ang teksto
    2. Tugunan ang malalabong bahagi
    3. Kilalanin ang teksto at mga konteksto nito
  • Ang mapanuring pagbasa ay maaari ding tingnan bilang kumbersasyon.: 'Sa paghahambing, ang tekstong binabasa natin ay maituturing na ambag ng isang awtor sa usapan sa isang paksa.'
  • Mapanuring Pagbasa bilang Kumbersasyon
    Ang mapanuring pagbasa ay maaari ding tingnan bilang kumbersasyon
  • Upang makalahok ang mambabasa sa kumbersasyon ng mga akademiko tungkol sa isang paksa
    Dapat isaalang-alang ang dalawang pangunahing hakbang sa mapanuring pagbasa: Una, ang pakikiramdam sa teksto, at ikalawa, ang pakikipag-ugnay sa teksto
  • Ang pakikiramdam sa teksto ay may kinalaman sa pagtiyak sa mga impormasyon sa teksto
  • Ilan sa maaaring hakbang sa pakikiramdam sa teksto ay ang pahapyaw na basahin ang teksto
  • Ilan sa maaaring hakbang sa pakikiramdam sa teksto ay ang tugunan ang malalabong bahagi
  • Ilal sa maaaring hakbang sa pakikiramdam sa teksto ay ang kilalanin ang teksto at mga konteksto nito
  • Pagkilala sa Teksto
    Pag-alam sa ilang detalye tungkol sa teksto: Sino ang awtor? Sino ang naglathala ng teksto? Kailan sinulat ang teksto? Anong uri ng teksto ito?
  • Pakikiramdam sa Teksto
    Mapakiramdaman ang teksto at tumungo sa pakikipag-ugnay sa teksto
  • Pakikipag-ugnay sa Teksto
    1. Bigyang kahulugan ang teksto (Interpretasyon)
    2. Tasahin ang teksto (Ebalwasyon)
  • Suriin ang teksto (Pagsusuri)
    1. Ano ang pangunahing ideya o argumento ng teksto?
    2. Ano-ano ang mga sumusuportang datos o ebidensya para ilahatag ang pangunahing ideya o argumento?
    3. Paano umuugnay sa isa’t isa ang mga datos o ebidensya? Mahigpit bang magkakaugnay ito o may nagsasalungatan?
    4. Anong mga estratehiya ng nagdedebelop ng paksa ang ginagamit sa teksto? (Paghahalimbawa, paghahambing, sanhi at bunga, proseso, klasipikasyon, pagbibigay ng depinasyon, paglalarawan, pagsasalaysay, o pangangatwiran)
  • Ang interpretasyon ay tumutukoy sa pagbibigay ng kahulugan sa teksto
  • Ang ebalwasyon ay tumutukoy sa pagtatasa o paghuhusga kung maayos o makatwirang nadedebelop ng teksto ang paksa
  • Ebalwasyon
    Tumutukoy sa pagtatasa o paghuhusga kung maayos o makatwirang nadedelop ng teksto ang paksa, kung natupad ang layunin o napanindigan ang argumento
  • Gawan ng anotasyon ang teksto
    Magtala o magbigay komento sa teksto. Maaring salungguhitin ang mga kusing salita, parirala, o pangungusap; magsulat ng mga kumento o tanong sa gilid; at markahan ang mahahalagang bahagi ng teksto
  • Pasadahan ang teksto
    Basahin muna nang mabilisan ang panimula at konklusyon. Puwedeng pasadahan ang mga pangunahing seksiyon ng katawan ng teksto upang makita sa mga heading at subheading o mga pamagat ng mga seksiyon sa kumakatawan sa mga pangunahing bahagi ng teksto
  • Isakonteksto ang teksto
    Ang teksto ay hindi nasusulat mula sa wala. Lagi itong nalilikha batay sa iba't ibang konteksto. Kabilang na rito ang konteksto ng awtor, panahon kung kailan isinulat at binabasa ang teksto, kulturang pinagluwalan ng teksto, mambabasang pinag-ukulan, at kasalukuyang mambabasa ng teksto
  • Tanungin ang teksto
    Makatutulong ang pagbuo ng mga tanong tungkol sa teksto upang mas maintindihan ito at magkaroon ng mahigpit na int
  • Estratehiya sa Mapanuring Pagbasa
    1. Tanungin ang teksto
    2. Pagmunian ang teksto
    3. Balangkasin at lagumin ang teksto
    4. Ihambing ang teksto sa ibang teksto
  • Tanungin ang teksto
    Pagbuo ng mga tanong tungkol sa teksto upang mas maintindihan ito at magkaroon ng mahigpit na interaksiyon sa teksto
  • Pagmunian ang teksto
    Mas personal at internal na gawain, maaaring markahan ang mga bahagi ng teksto na may sinasabing taliwas sa sariling kaalaman, palagay, o paniniwala
  • Balangkasin at lagumin ang teksto
    Gumawa ng isa hanggang dalawang lebel o antas na balangkas ng teksto, lagumin ang teksto sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga pangunahing ideya o argumento ng teksto gayundin ang sekundaryang ideyang sumusuporta rito
  • Ihambing ang teksto sa ibang teksto
    Mapapayaman ang pagbabasa sa pag-uugnay sa tekstong binasa at sa iba pang tekstong nabasa na, maaaring mga tekstong akademiko rin, pahayag na narinig, obserbasyon, o sariling karanasan