Ito ay isang sining na nagpapahayag ng mga kahulugan sa pamamagitan ng mga di-tuwirang pahayag o paghahambing. Ang paggamit ng matalinghagang salita ay nagpapahayag ng malalim na kaisipan, damdamin, at pananaw sa isang mas malikhain at nakakawindang na paraan.
Matalinghagang salita o idyoma
ay ginagamit sa iba't ibang sitwasyon at konteksto upang magpahayag ng ideya o damdamin sa isang mas kreatibo at makulay na paraan. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga sumusunod na pagkakataon:
Sa panitikan
Upang gawing mas kaakit-akit at makabuluhan ang mga akda, tulad ng mga tula, kwento, at dula. Ang matalinghagang salita ay maaaring magdagdag ng lalim sa mga karakter, tema, at mensahe ng akda.
Sa pang araw araw na pakikipagusap
Upang magbigay ng diin o magpahayag ng damdamin sa isang mas malikhain at makabuluhang paraan. Ang paggamit ng matalinghagang salita ay maaaring makatulong upang maging mas kawili-wili at mas nakakatawa ang isang kwento o usapan.
Sa pagtuturo
Ang paggamit ng matalinghagang salita ay maaaring maging isang epektibong paraan upang ipaliwanag ang isang konsepto o ideya sa isang paraang mas madaling maintindihan at matandaan ng mga mag-aaral.
Sa pagpapahayag ng kultura
Ang matalinghagang salita ay maaaring magpakita ng mga kultural na kaugalian, paniniwala, a tradisyon. Ito ay maaaring magamit upang maipakita ang kahalagahar ng isang partikular na kultura at makapagbigay ng mas malalim na pag-unawa tungkol dito.
Sa pagpapatawa
Ang matalinghagang salita ay madalas na ginagamit sa mga patawa o sa mga sitwasyong kung saan ang layunin ay magpatawa. Ito ay dahil ang paggamit ng matalinghagang salita ay maaaring magdulot ng kawilihan at maaaring maging nakakatawa ang pagkukumpara ng mga bagay na hindi direktang magkakaugnay.
SIMBOLISMO
ang salitang ito ay nagsasagisag ng isang ordinaryong bagay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit na natatanging kahulugan.
Isang masining na sangkap na kumakatawan sa isang uri ng paniniwala, kaisipan, bagay o damdamin.
Karaniwang Simbolo
mga namana o ipinamana sa atin mula pa sa iba't-ibang salinlahi. Halimbawa:
Itim na pusa (malas), kalapati (kapayapaan)
SimbolongNilikha
ito ay nilikhang tauhan, bagay o pangyayari ng mga manunulat upang maipahayag ang kanilang ideya.
Halimbawa:
Maria Clara (mahinhin), Sisa (baliw)
SANAYSAY
ginagamit upang makapagbigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang nais nitong talakayin. Ang mahahalagang kaisipan sa sanaysay ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong ibinibigay nito sa mambabasa. Ang mahahalagang impormasyong ito ay maaaring isulat nang pabalangkas.
Sanaysay
ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.
Alejandro G. Abadilla
Ayon kay ito'y "pagsasalaysay ng isang sanay."
Michel de Montaigne
Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at siya ang tinaguriang "AmangSanaysay."
Essai
tinatawag sa wikang Pranses na
nangangahulugang isang
pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat.
Balangkas
ito ay isang lohikal o kaya'y kronolohikal at pangkalahatang buod ng komposisyon.
talumpati
ito ay isang halimbawa ng sanaysay.
Pormal
Nagbibigay ng mahahalagang impormasyon. Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos sa paksang tinatalakay.
Maingat na pinipili ang pananalita.
Ang tono ay mapitagan.
Obhektibo o di-kumikiling sa damdamin ng may-akda.
Di-Pormal o Personal
Nagsisilbing libangan o aliwan. Nagbibigay -lugod sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga paksa tungkol sa sarili, karaniwan, at pang-araw-araw at personal.
Ang himig ng pananalita ay parang nakikipag-usap lamang.
Pakikipagkaibigan ang tono.
Subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may- akda.
tuwirang pahayag
ay mga pahayag na may pinagbatayan at may ebidensiya kaya't kapani-paniwala.
di tuwirang pahayag
ay mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinyon ay nakahihikayat naman sa mga tagapakinig o tagapagbasa.