Terrorismo

Cards (26)

  • Terorismo - tumutukoy sasadyang paglikha at pagpapalaganap ng takot sa pamamagitan ng
    karahasan o pagbabanta ng karahasan sa kagustuhang magkaroon ng pagbabagong politikal. (Bruce Hoffman, 1998)
  • Terorismo - Isang sinasadyang kaguluhan o pananakot na ginagamitan ng karahasan ng isang pangkat o ng isang estado upang matamo ang isang adhikain. (Alex P. Schmid at A.J. Jongman)
  • Unang isinagawa ng mga ZEALOTS -
    isang sekta ng mga taga-Judea na ayaw sa pamumuno ng mga Romanong emperador
  • Isinagawa rin ng mga ASSASINS - (Islamic Movement) na nakipaglaban sa mga Christian Crusaders na nanakop sa lupain ng Syria
  • Ginamit sa panahon ng terorismo sa France (Reign of Terror)
  • Isinagawa ng mga rebolusyonaryong pangkat sa Russia na kumalaban sa mga malulupit na pamamahala ng mga Czar
  • Layunin ng Terorismo:
    • Magtanim ng sikolohikal na takot sa publiko, pamahalaan o sa mga grupong kalaban ng lahi o relihiyon
  • Layunin ng Terorismo:
    • Isulong ang pagbabagong pampolitika, pang- ekonomiya at pang-kultura
  • Layunin ng Terorismo:
    • Magkaroon sila ng impluwensiya at kapangyarihan upang matamo ang kanilang pagbabagong minimithi
  • Uri ng Terorismo:
    • Panloob na terorismo (Internal Terrorism)
    • Panlabas na terorismo (External Terrorism)
  • Panloob na Terorismo (Internal Terrorism)– nagaganap sa loob ng bansa sa pagitan ng mga pinuno at pinamumunuan.
  • Panloob na terorismo (Internal Terrorism) - Maging anumang pangkat na naglalayong maghasik ng pananakot, lumabag sa karapatang pantao, kumitil ng buhay ng mga mamamayan.
  • Panlabas na Terorismo (External Terrorism)— nagaganap sa labas ng bansa sa pagitan ng dalawa o higit pang mga bansa na nagbubunga ng malawakang pinsala.
  • Pamamaraan ng terorismo
    Pagpapalaganap ng balita ng karahasang kanilang idudulot
    Pagpapasabog sa mga highway, mga tanggapan, Paliparan atpb.
    Kidnapping for ransom
    Pagpatay
    Suicide bombing
  • Anyo ng Terorismo:
    • Terorismong Etniko
    • Terorismong Pang-relehiyon
    • Terorismong Pang-ideolohiya
  • Terorismong Etniko - Naiiba sa ngalan ng ideolohiya, relihiyon o kaunlarang pang-ekonomiya
  • Terorismong Etniko - Kadalasang mas makabayan at madaling makabuo ng pambansang pagkakakilanlan
  • Terorismong etniko - Bahagi ng isang lahi o pangkat-etniko
  • Terorismong Pang-relihiyon - Kilala ding Religious Fanatism at Fundamentalism
  • Terorismong Pang-relihiyon - Pinakamatinding motibasyon ay ang kanilang paniniwala
  • Terorismong Pang-relihiyon -
    Krisis-espiritwal o kaya reaksyong pampolitika
  • Ang ideolohiya ay isang sistemang panlipunan o ideya na naglalayong magpaliwanag sa daigdig at kung ano nararapat na kaayusan ng lipunan.
  • Terorismong Pang-ideolohiya - Ito ay batay sa hinaing at layunin ng isang pangkat na kanilang tinutugunan ng karahasan
  • Terorismong Pang-ideolohiya - Madalas ay pulitikal at layunin ang panlipunang pagbabago
  • Estruktura ng Terorismo:
    • Liderato
    • Pondo
    • Mga kasapi
    • Command & Control network
  • Pangkat ng mga terorista:
    AL-DAWA (Beirut, Lebanon)
    ISLAMIC JIHAD (Beirut, Lebanon)
    AUM SHINRIKYO (Japan)
    AL QAEDA (Afghanistan)
    JEMAAH ISLAMIYAH (Indonesia)
    ABU SAYYAF (Philippines)
    MILF or Moro Islamic Liberation Front (Philippines)
    MNLF or Moro National Liberation Front (Philippines)