Graft and Corruption

Cards (38)

  • Graft - Ang pagkuha ng pera o posisyon sa paraang taliwas sa batas, madaya, at kahina-hinala
    tulad ng pagtanggap ng kabayaran para sa isang pampublikong serbisyong hindi naman naibigay o kaya paggamit sa isang kontrata o lehislasiyon bilang pagkakitaan.
  • Corruption - Ang intensiyonal na pagtatakwil sa tungkulin at obligasyon ng isang opisyal ng pamahalaan o pagkilos na magbubunga ng kaniyang kawalan ng integridad o prinsipyo.
  • Transparency International (2022) - naitala ang Pilipinas na may 33% Corruption Perception Index.
  • 116/180 - ang puwesto ng Pilipinas isinailalim sa pag-aaral na ito, (gamit ang 1 bilang pinaka walang korupsiyon)
  • Uri, pamamaraan, at dahilan ng graft and corruption:
    1. Pangingikil
    2. Panunuhol o paglalagay
    3. Tax evasion
    4. Ghost project
    5. Pag-iwas sa public bidding
    6. nepotismo
    7. Pandarambong
    8. Pagpapasa-pasa ng kontrata sa mga kontraktor
    9. Pakikipagsabwatan
  • Pangingikil - Ang panghihingi ng mga opisyal ng pamahalaan ng salapi o anumang bagay na may halaga mula sa mga mamamayan na may transaksiyon sa gobyerno.
  • Panunuhol o paglalagay - Ang ginagawa ng mga mamamayan sa mga opisyal ng pamahalaan na may mahalagang posisyon upang mabilis silang makakuha ng pabor, kontrata, o kinakailangang dokumento.
  • Tax evasion - Ang hindi wastong pagdedeklara ng mga negosyo at taunang kinita upang umiwas sa mataas na pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
  • Ghost Project - ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan kung saan hindi na umiiral ang mga proyektong pinopondohan
  • Ghost Employee - tumutukoy sa patuloy pa ring pagpapasahod sa mga pekeng empleyado o
    imbentong empleyado ng isang kompanya o proyekto.
  • Ang bawat transaksiyon ng gobyerno sa mga pribadong kumpanya ay dapat dumadaan sa bidding
  • Pag-iwas sa public bidding - May mga opisyal na iniiwasan ito at nagkakaloob ng kontrata sa pinapaborang kumpanya kung saan pinapatungan nila ng mas mataas na halaga kapalit nito ay ang pagtanggap nila ng suhol.
  • Nepotismo - Ang mga opisyal ay naghihirang ng mga kamag-anak at kaibigan na walang sapat na kwalipikasyon sa mga posisyon sa pamahalaan.
  • Ang pagkuha, pagbubulsa, at paglustay ng salapi ng bayan para sa sariling kapakinabangan ay uri ng pagnanakaw na tinatawag na pandarambong o plunder.
  • pagpapasa-pasa ng kontrata sa mga kontraktor - May kasanayan ang ilang mga kontraktor na magpasa ng mga trabaho tungo sa isa pa.
  • pagpapasa-pasa ng kontrata sa mga kontraktor - Ang ganitong gawi ay maaaring magpapababa ng kalidad ng materyales at serbisyo ng proyekto.
  • Ang pakikipagsabwatan sa kasunduan o kontrata ay nagbibigay-daan sa kickback o padding sa halaga ng mga kontratang pinapasok ng gobyerno.
  • Mga ahensiya ng pamahalaan na sumusugpo sa graft and corruption:
    Office of the Ombudsman
    Civil Service Commission (CSC)
    Commission on Audit (COA)
    Sandiganbayan
  • Office of the Ombudsman - Ang naatasang magpasimula ng mga imbestigasyon sa mga inirereklamong mga opisyal ng pamahalaan.
  • Office of the Ombudsman - Pagpaparusang administratibo sa mga mapapatunayang may salang opisyal ng pamahalaan.
  • Civil Service Commission - Ang sentral na ahensiya ng mga tauhan ng pamahalaan na naatasan na magtiyak na mahusay ang pagseserbisyong ibinibigay ng lahat ng kawani ng pamahalaan.
  • Civil Service Commission - May hurisdiksyon din sa mga kasong administratibo kabilang ang katiwalian at korupsiyon.
  • Commission on Audit - Ang bantay ng mga ahensiya ng pamahalaan pagdating sa paggastos ng mga inilaang pondo sa kanila.
  • Commission on Audit - May kapangyarihan itong siyasatin o i-audit ang lahat ng mga account ukol sa nalikom na buwis, mga resibo, at mga gastos o paggamit ng pondo at ari-arian ng pamahalaan.
  • Sandiganbayan - Ang hukumang laan para sa mga kasong katiwalian sa Pilipinas na may hurisdiksyon sa mga kasong sibil at kriminal na kinasasangkutan ng mga empleyado at opisyal ng pamahalaan.
  • Sandiganbayan - Ang nangangasiwa sa pagpapanatili ng moralidad, integridad at kaigihan sa serbisyong pampubliko ng mga opisyal ng gobyerno.
  • Mga batas upang sugpuin and graft and corruption sa bansa:
    • Article XI ng 1987 Konsitusyon ng Republika ng Pilipinas
    • Republic Act Blg. 3019
    • Republic Act Blg. 6713
    • Republic Act Blg. 7080
  • Artikulo XI ng 1987 Konstitusyon ng
    Republika ng Pilipinas: Seksyon 1 ng Kapanagutan ng mga Pinunong Bayan (Accountability of Public Officers)
  • Republic Act Blg. 3019 - Anti-Graft and Corruption Practices Act
  • Republic Act Blg. 6713 - Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees
  • Republic Act Blg. 7080 - An Act Defining and Penalizing the Crime of Plunder
  • Artikulo XI ng 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas - “Ang bawat opisyal o empleyadong pampubliko ay dapat managot sa lahat ng panahon sa mga tao, magsilbi sa kanila nang may sukdulang responsiblidad, integridad, katapatan, kaigihan, akto ng patriotismo at hustisya, at mamuhay ng mga katamtamang pamumuhay.”
  • Republic Act Blg. 3019 - Kilala rin bilang Anti-Graft and Corruption Practices Act na nagtatala ng lahat ng gawaing maituturing na tiwali.
  • Republic Act Blg. 3019 - Nagdedeklara ng mga hindi naaayon sa batas at nagbibigay ng kaukulang parusa ng pagkakabilanggo, walang katapusang diskwalipikasyon sa pagtakbo sa opisinang pampubliko, at pagsamsam sa hindi maipaliwanag na yaman para sa mga mapapatunayang tiwaling opisyal ng pamahalaan.
  • Republic Act Blg. 6713 - nagtataguyod ng isang mataas na pamantayang etika at nag-aatas sa lahat ng mga tauhan ng pamahalaan na gumawa ng isang deklarasyon ng mga ari-arian at pananagutan o liability bago, habang, at pagkatapos maglingkod sa pamahalaan o SALN (Statements of Assets, Liabilities and Net Worth).
  • Republic Act Blg. 7080 - Ang nagpaparusa sa sino mang opisyal ng pamahalaan na napatunayang kumuha, nangupit, o nagnakaw ng halagang hindi bababa sa 50 milyong piso mula sa pondo ng gobyerno.
  • Epekto ng graft and corruption: kabuhayan at lipunan:
    • Kahirapan
    • Atrasadong pag-unlad
    • Pananamantala
  • Epekto ng graft and corruption: Pakikilahok ng Mamamayan:
    • Kawalan ng tiwala
    • Kawalan ng paggalang at respeto
    • Kawalan ng interes sa paglahok sa mga gawaing panlipunan
    • Pagtangkilik sa katiwalian