M5: Tekstong Argumentatib-Persweysib

Cards (62)

  • Ang argumentasyon ay isang uri ng berbal, sosyal at rasyonal na gawaing may layuning makumbinsi ang isang kritiko ng isang paksa o bagay upang makita at tanggapin ang mga punto tungkol dito sa pamamagitan ng pagbibigay ng proposisyon na nagpapatibay ng puntong ito
  • Tungkulin ng tekstong argumentatibo na ipakita ang mga asersyon gaya ng opinyon, teorya o haypotesis tungkol sa ilang penomenon na mas tama at totoo kaysa ibinibigay o pinaniniwalaan ng iba.
  • Tekstong argumentatibo
    Nagpapakita ng pagbuo ng mga dahilan, paggawa ng pagbubuod, paghugot ng mga kongklusyon, at paggamit ng mga ito sa pinagtatalunan.
    Paggawa ito ng mga hinuha at proposisyon na hindi pa kilala o tinatanggap na totoo mula sa mga pangyayari o alam na prinsipyo na tinatanggap o napatutunayang totoo.
  • ang tekstong argumentatibo ay tinututukan ang isip, kabatiran, kaalaman, at rason
  • tekstong argumentatibo
    ✔Mahalaga sa argumentasyon ay ang mga patunay, ang mga ebidensya na magpapatotoo sa mga inihahaing puntos.
    ✔Layunin nito ay iharap ang lahat ng ebidensya tungkol sa paksa na maaaring panig o kontra rito.
    ✔Mas mahalagang ang argumentasyon ay may lohika at may puntong nangangatwiran.
  • ang tekstong persweysib ay sinusulat upang hikayatin ang mababasa sa pamamagitan ng pagtumbok sa kanilang emosyon
  • tekstong persweysib
    
    ✔Ginagamit ang panlipunang tama at mali
    ✔Ginagamit ang mapusok at maapoy na damdamin ng mambabasa upang kumampi at umayon sa sumulat sa kanyang mga pananaw.
    ✔Sinisikap nitong akitin ang mga personal na interes ng mambabasa, tukuyin ang kombensyonal na paniniwala at iba pang palasak na damdamin
  • tekstong persweysib
    
    ✔Ginagamit ang mga emosyong pantao kaysa sa mga datos istatistiks sa paglalahad ng kanyang panig.
    ✔Nakapokus ang paglalahad sa empathy o paglalagay ng sarili sa sitwasyon at mapanghikayat na mga salita sa pamamagitan ng pagsasalaysay na anekdotal o kaya ay karanasang madaling makiisa sa mambabasa.
    Sa huli, hinihiling nito na magbago ang iyong pananaw at sumama sa pinaniniwalaan ng sumulat.
  • tekstong argumentatib: katwiran at analitikal na pagbusisi
    tekstong persweysib: tinutumbok ang emosyon
  • Mga uri ng maling pangangatwiran:
    • Argumentum ad hominem
    • Argumentum ad baculum
    • Argumentum ad misericordiam
    • Non sequitur
    • Ignoratio Elenchi
    • Maling paglalahat
    • Maling paghahambing
    • Maling saligan
    • Maling awtoridad
    • Dilemma
  • Dilemma: naghahandog lamang ng dalawang opsyon na para bang iyon lamang at wala nang iba pang alternatibo
  • dilemma
    Para hindi ka mapahiya sa debate natin, ganito na lamang ang gawin mo: huwag ka nang pumunta o kaya ay magsabmit ka na lang ng papel na nagsasaad ng pag-urong mo.
  • dilemma
    Alin lamang sa dalawa ang gusto mo: magkaroon ng jowa o magkaroon ng pera.
  • maling awtoridad: naglalahad ng tao o sangguniang walang kinalaman sa isyung kasangkot
  • maling awtoridad
    Sabi nga ni Ice Seguerra, higit nating kailangan ang wikang Ingles kaysa wikang Filipino.
  • maling awtoridad
    E sabi nga ng lolo ko golden era daw noong panahon nila e!
  • maling saligan: nagsisimula ito sa maling akala na siya namang naging batayan. Ipinagpatuloy ang gayon hanggang magkaroon ng kongklusyong wala sa katwiran
  • maling saligan
    Lahat ng kabataan puro pag-aasawa ang iniisip. Kaya laging naghahanap ng ka-chat sa Social media dahil gusto agad ng bf/gf. Malalandi na talaga ang mga bata ngayon.
  • maling saligan
    Lahat ng Amerikano ay nasa Amerika kaya si Pedro Madlangbayan ay isang Amerikano dahil nasa California siya.
  • maling paghahambing: karaniwan nang tinatawag na usapang lasing ang ganitong uri pagkat mayroon ngang hambingan ngunit sumasala sa matinong kongklusyon
  • maling paghahambing
    (Sagot ng anak sa ina) Bakit ni'yo 'ko agad patutulugin e kayo nga gising på?
  • maling paghahambing
    Bakit mo 'ko pipiliting kumain ng gulay e ikaw nga hindi rin naman kumakain ng gulay?
  • maling paghahambing
    Bakit mo 'ko sinumbong na nangopya? Kayo nga ring magkakaibigan nagkokopyahan.
  • maling paglalahat: dahil lamang sa ilang aytem/sitwasyon, nagbibigay na agad ng isang kongklusyong sumasaklaw sa pangkalahatan
  • maling paglalahat
    Lagi na lang akong pinapaasa... Ngayon alam ko na. Talagang babaero lahat ng mga lalaki!
  • maling paglalahat
    Ang artistang ito ay naging tiwali sa panunungkulan niya. Ang artista namang iyon ay maraming asawa, samantalang bobo naman ang isang ito na tumatakbo bilang konsehal. Huwag na nating iboto ang mga artista!
  • maling paglalahat
    Nang minsan akong mapadaan diyan ay nadukutan ako. Kaya huwag kang dadaan sa lugar na 'yan at puro mandurukot ang nakatira diyan.
  • ignoratio elenchi
    Hindi siya ang nanggahasa sa dalaga. Sa katunayan, isa siyang mabuting anak at mapapatunayan 'yan ng kanyang magulang, kapatid at mga kamag-anak.
  • ignoratio elenchi
    Hindi ako nakarating sa pulong dahil lumiban ako nang araw na iyon.
  • ignoratio elenchi
    Dahil hindi naman ako nagsisinungaling, talagang nagsasabi lang ako ng totoo.
  • Ignoratio Elenchi: Gamitin ito ng mga Pilipino lalo na sa mga usapang barberya, wika nga. Ito ang tinatawag sa Ingles na circular reasoning o paligoy-ligoy at irrelevant conclusion. Pagpapatotoo ito sa isang kongklusyong hindi naman siyang dapat patotohanan. Paulit-ulit din kung minsan ang mga salita sa walang malinaw na punto.
  • non sequitur: sa Ingles, ang ibig sabihin nito ay "it doesn't follow". pagbibigay ito ng kongklusyon sa kabila ng mga walang lohikal na kaugnayan sa naunang pahayag
  • non sequitur
    Magagaling na doktor ang mga magulang ng batang iyan. Nagdodoktor din ang kapatid niya. Kung gayon, pangarap din niyang maging doktor.
  • non sequitur
    Kulay asul ang suot ni Crush. Asul din ang suot ko ngayon. Meant to be kami.
  • non sequitur
    Joshua ang pangalan ng boyfriend kong cheater. Joshua rin ang manliligaw ng bespren ko kaya cheater din yun.
  • argumentum ad misericordiam: upang makamit ang awa at pagkampi ng mga nakikinig/bumabasa, ginagamit ito sa paraang pumipili ng mga salitang umaatake sa damdamin at hindi sa kaisipan
  • argumentum ad misericordiam
    Nagawa ko lang pong magnakaw dahil sa kahirapan. Kailangan ko lang pong ipambayad para sa anak kong nasa ospital.
  • argumentum ad misericordiam
    Ma'am, baka po pwedeng itaas niyo na po ng dalawang puntos ang grado ko. Kailangan ko pong ma-maintain ang scholarship ko dahil ako na lang ang inaasahan sa pamilya ko.
  • argumentum ad misericordiam
    Please, Nicole, balikan mo na ‘ko. Kapag di mo 'ko binalikan, wala nang saysay pa'ng buhay ko.
  • argumentum ad baculum
    pwersa o awtoridad ang gamit upang maiwasan ang isyu at maipanalo ang argumento