simoun - napakayamang mag-aalahas at kaibigang matalik at tagapayo ng kapitan-heneral
kapitan-heneral - hinirang siya ng espanya bilang pinakamataas na pinuno ng pamahalaan
mataas na kawani - isang kastila; kagalang-galang, tumutupad sa tungkulin, may pinaninindigan, at may kapanagutan
padre florentino - mabuti at kagalang-galang; pinilit lamang ng inang maging lingkod ng diyos dahil sa kanyang panata
padre bernardo salvi - paring pransiskano na umibig kay maria clara
padre hernando sibyla - paring dominiko na vice-rector ng ust; salungat sa pagpasa ng panukala upang makapag-aral at matuto ng kastila ang mag-aaral
padre irene - paring kanonigo na minamaliit ng padre camorra; tagaganap ng huling habilin ni kapitan tiago
padre fernandez - paring dominiko na bukas ang isip sa pagbabago lalo na sa edukasyon
padre camorra - batang paring pransiskano na kura ng tiano at walang galang sa mga kababaihan
padre millon - paring dominiko na propesor sa pisika at kemika
telesforo juan de dios - kabesang tales; masipag na magsasakang yumaman dahil ginamit nang mahusay ang kinitang pera
juliana o juli - pinakamagandang dalaga sa tiani na anak ni kabesang tales
tata selo - ang kumalinga sa batang si basilio; maunawaing tatay ni kabesang tales
tano o carolino - anak ni kabesang tales na tahimik at kusang-loob na sumunod sa kagustuhan ng amang siya'y magsundalo
basilio - nalampasan ang hilahil ng buhay dahil nagpaalipin siya kay kapitan tiago
isagani - isang malalim na makata o manunugma
makaraig - mag-aaral sa abogasya na nangunguna sa panawagang pagbukas ng akademya sa pagtuturo ng kastila
placido penitente - pilit na pinaninindigan ang pangalan na nangunguhulugang mahinahon at mapagtimpi kahit na kinaiinisan din niya ito
pecson - mapanuring mag-aaral na hindi basta-bastang naniniwala sa mga balita
juanito pelaez - mayamang mag-aaral na tamad at lakwatsero; masugid na manliligaw ni paulita gomez na pinaboran ng tiyahin ng dalagang si donya victorina
sandoval - isang tunay na espanyol na lubos na kaisa sa adhikain ng mga estudyateng pilipino
tadeo - mag-aaral na lubhang tamad at laging nagsasakit-sakitan tuwing makakakita ng propesor
paulita gomez - dalagang laging maayos at maalaga sa sarili; pamangkin ni donya victorina at kasintahan ni isagani
donya victorina de espadana - isang pilipinang walang pagpapahalaga sa kanyang lahi at itinatakwil ang mga kalahing indio
don tiburcio de espadana - lalaking walang buto, sunod-sunuran, at takot sa asawa; asawa ni donya victorina
don santiago delos santos - dating kaibigan ng mga prayle na nawala sa katinuan at naluluong sa sabong at paghithit ng apyan
maria clara delos santos - tanging babaeng inibig ni simoun na dahilan ng pagbabalik ni ibarra sa katauhan ni simoun
kapitan basilio - ama ni sinang at asawa ni kapitana tika
don custodio de salazar y sanchez de monteredondo - nakappag-asawa ng maganda at mayamang mestisa; masipag, mapanuri, matalino, palaisip
ben zayb - mamamahayag na malaya raw mag-isip at mababa ang pagtingin kay padre camorra; naglalabas ng magagandang balita tungkol sa mga opisyal upang mapalapit sa mga ito
ginoong pasta - naging alila ng mga prayle habang nag-aaral bago maging pinakatanyag na abogadong pilipino; dating kaklase ni padre florentino
pepay - kaakit-akit na mananayaw na maputi at kaiba ang kulay; kaibigan si juanito pelaez
hermana bali - batikang panggingera; nagbibigay-payo sa mga may suliranin sa baryo
hermana penchang - masimbahing manang na naging panginoon ni juli at mapanghusga sa mga taong sawimpalad
kapitana tika - asawa ni kapitan basilio at ina ni sinang
sinang - matalik na kaibigan ni maria clara; mahilig sa antigo, mamahalin, at magagandang alahas
kabesang andeng - butihing ina ni placido penitente; ulirang magulang
quiroga - mayamang intsik na mangangalakal
don timoteo pelaez - mapangdustang mangangalakal na naging kasosyo si simoun sa negosyo; ama ni juanito pelaez
mr. leeds - mahusay na mahika na nagamit upang mausig ang budhi ni padre salvi