DEPINISYON: Pagbibigay kahulugan ng isang di-pamilyar na terminolohiya o mga salitang bago sa pandinig ng mambabasa. Mayroon tayong tatlong (3) bahagi ng depinisyon, termino o binigyang kahulugan, uri o klase kung saan nabibilang ang terminong binibigyang kahulugan, mga natatanging katangian nito o kung paano naiiba sa mga katulad ng uri. Uri ng Depinsyon: Konotasyon, Denotasyon. DENOTASYON/Formal – dimension na karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo o salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag. Halimbawa: Kinatatakutan ng mga magsasaka ang kanilang Panginoon. (Diyos/tagapaglikha). KONOTASYON/Informal – dimension na di-tuwiran ang kahulugan. Nagkakaroon ng ikalawang kahulugan ang salita o pahayag. May mga paniniwala na sa dimensyong ito, pansariling kahulugan ng tao ang maaaring ibigay. Halimbawa: Kinatatakutan ng mga magsasa