Awit at Korido > Ito ay hango sa mga pangyayari na naglalahad ng pagkamaginoo o pagkikipagsapalaran ng mga tauhang dugong-bughaw
Epiko > Ito ay binubuo ng mga tagpong hindi kapani-paniwala dahil sa taglay na mga kababalaghan o milagro tungkol sa kagitingan, mga pakikipagtunggali, at tagumpay ng isang tao sa digmaan.
Balad > Ito ay inaawit ng madamdaming pagsasalaysay
Awit > Ito ay inuuri rin bilang tulang pandamdamin o liriko dahil pinapaksa nito nang may damdamin ang tula ng pag-ibig, pamimighati, kalungkutan, o pag-asa.
Soneto > Ito ay mayroong labing-apat (14) na taludtod na naglalaman ng damdamin at kaisipan na may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
Oda > Isa itong patulang paglalahad ng papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin.
Elehiya > Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya ay tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
Pastoral - Naglalarawan ito ng tunay na buhay sa bukid.
Dalit > Ito ay awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.
Karagatan > Isang paligsahan sa tula na kalimitang nilalaro sa lamayan at ginagawa na ng ating mga ninuno bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Duplo > Isang paligsahan sa pangangatwiran sa patulang pamamaraan at ang karaniwang paksa ay hango sa Bibliya, mga kasabihan, at mga salawikain.
Balagtasan > Isang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pamamaraang patula.