Isang tao lamang ang nagsasalita mula sa simula hanggang sa katapusan.
Tulang Dulang Kalunos-lunos
Ito ay tumatalakay sa pakikipagtunggali at pagkasawi ng pangunahing tauhan laban sa mga higit na makapangyarihan.
Tulang Dulang Madamdamin
Ito ay naglalarawan ng galaw na lubhang madamdamin at nagtataglay ng nakasisindak na pangyayaring higit sa karaniwang mga karanasan ng isang normal na tao.
Tulang Dulang Katatawanan
Ito ay nagpapakita ng mga pangyayaring katawa-tawa at ang mga papel na ginagampanan ng mga tauhan ay nakalilibang.
Tulang Dulang Parsa
Ito ay nagtatanghal ng mga pangyayaring lubhang kasiya-siya.