Ang tekstong argumentatibo ay naglalahad ng paniniwala, kuro-kuro, saloobin, o pananaw patungkol sa isang mahalaga o maselang isyu. Naglalahad ito ng mga paliwanag o argumento sa lohikal na paraan.
Ang panimula ay kailangang maging mapanghikayat sa paraang mahusay na mailahad ang pangkalahatang paksang tatalakayin at ang proposisyon.
Gitna Lahat ng argumento ukol sa inihaing proposisyon ay kailangang organisadong maihanay sa gitna ng tekstong argumentatibo.
Wakas Sa bahaging ito, inilalatag ng sumulat ang kabuoan niyang pananaw ukol sa kaniyang proposisyon.