Mga Programang Nagtataguyod sa Karapatan ng mga Mamamayan

Cards (25)

  • Ang Britanya ay tinanggal ang pang-aalipin, pagpatay sa mga bata, at pagsasakripisyo ng tao sa India
    1833
  • Itinatag ang Indian National Congress sa Bombay upang makipag-usap sa mga Ingles upang palawakin ang mga karapatan ng mga taga-India

    1885
  • Itinatag ang Muslim League upang pangalagaan at protektahan ang karapatan ng mga Muslim

    1906
  • Nagpatupad ng polisiyang modernisasyon ang Bhutan, tinanggal ang pang-aalipin at sistemang caste, at binigyang kalayaan ang kababaihan sa iba’t ibang gawaing panlipunan
    1960
  • Itinatag ang Women’s Democratic Organization of Afghanistan (WDOA)
    1965
  • Hindu College 1817
  • Indian National Congress 1885
  • Muslim League 1906
  • Women’s Democratic Organization of Afghanistan 1965
  • Indian Penal Code 1983
  • Pambansang Komisyon para sa Kababaihan 1992
  • Sa ilalim ng Balfour Declaration, nangako ang British Cabinet na padadaliin ang paglikha ng isang Jewish National Home sa Palestina habang pinuprotektahan ang mga karapatang sibil at relihiyon sa lugar
    1917
  • Ipinaglaban ng kababaihang Iraqi ang pagiging ganap na mamamayan sa kanilang bansa
    1920
  • Ang League of Nations ay naglabas ng isang utos sa Britanya upang magtatag ng isang pambansang tahanan para sa mga Hudyo sa Palestina
    1922
  • Pinagtibay ang Turkish Civil Code. Bunga nito, nagkaroon ng mga pagbabago sa batas, tulad ng pag-aalis ng polygamy sa lipunan ng mga Turko
    1926
  • Sa unang pagkakataon, nabigyan ng karapatang bumoto ang kababaihan sa Kanlurang Asya. Ang bansang Turkey ang unang nagpatupad nito
    1934
  • Ang kababaihan sa Saudi Arabia ay pinahintulutang makapag-aral bilang mga full-time na mag-aaral
    1975
  • Women’s Rising Group 1920
  • Ang grupo ay naglayong itaguyod ang edukasyon at paghahanapbuhay ng mga kababaihan sa Kanlurang Asya. Itinatag ito ni Aswa Zahawi. Nag-ulat ang grupo gamit ang pahayagang Leila
  • Turkish Civil Code 1926
  • Turkish civil code - to ay nagsulong ng pagbabago sa batas sibil sa Turkey sa pamamagitan ng pagpapalawak ng karapatan ng kababaihan at pagbabawal sa polygamy
  • National Pact 1943
  • National Pact -Batay sa palatuntunang ito, nagkaroon ng pantay na bilang ng mga representative sa parlamento mula sa iba’t ibang grupong panrelihiyon at panlipunan. Ang pasyang ito ay nagmula sa resulta ng isang sensus na ipinagawa ni Pangulong Bishara al-Khouri noong 1932
  • UAE Women’s Federation 1975
  • Itinatag ang samahan upang isulong ang edukasyon at mabuting kasulugan ng kababaihan sa United Arab Emirates