Katangian ng wikang nagpapakitang ito’y hindi maaaring maging puro sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng iba’t-ibang barayti dala na rin ng mga salik-panlipunan.
Dayalek
Wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
Idyolek
Lumulutang sa wikang ito ang personal na katangian at kakanyahang natatangi sa taong nagsasalita.
Sosyolek
Tinatawag itong sosyal (pamantayan) na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
Etnolek
Ito ang wikang ginagamit ng mga kabilang sa etnolingguwistikong grupo.
Register
Sa barayti ng wika, naiaangkop ang wikang ginagamit sa isang partikular na domeyn na may tiyak na pagpapakahulugan.
Pidgin
Tinatawag ito sa ingles na nobody’snativelanguage.
Creole
Isang wika na unang naging pidgin at kalaunan ay naging likas na wika.