Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga nakasulat na teksto
Pagbasa
Isang kompleks na kasanayan na nangangailangan ng koordinasyon ng iba't ibang at magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon
Pagbasa
Isang proseso ng pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng: Imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa; Impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at Konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa
Uri ng Pagbasa
Intensibo
Ekstensibo
Intensibong Pagbasa
Kinapapalooban ng malalimang pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, estruktura, at uri ng diskurso sa loob ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang bokabularyong ginamit ng manunulat, at paulit-ulit at maingat na paghahanap ng kahulugan
Ekstensibong Pagbasa
Nagaganap kapag ang isang mambabasa ay nagbabasa ng maramihang babasahin na ayon sa kaniyang interes, mga babasahing kadalasang hindi kahingian sa loob ng klase o itinatakda sa anomang asignatura. Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa ganitong uri ng pagbasa ay upang makuha lamang ang "gist" o pinaka-esensya at kahulugan ng binasa na hindi pinagtutuunan ng pansin ang mga salitang malabo o hindi alam ang kahulugan
Uri ng Pagbabasa
Scanning
Skimming
Scanning
Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang espesipikong impormasyongitinakda bago bumasa kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata sa paghahanap hanggang sa makita ng mambabasa ang tiyak na kinakailangang impormasyon
Skimming
Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inoorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat
Antas ng Pagbasa
Primarya
Mapagsiysasat
Analitikal
Sintopikal
Primarya
Pinakamababang antas ng pagbasa at pantulong upang makamit ang literasi sa pagbasa. Kinapapalooban lamang ng pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o mga tauhan sa isang teksto
Mapagsiysasat
Nauunawaan na ng mambabasa ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga hinuha o impresyon tungkol dito
Analitikal
Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawan ang kahulugan ng teksto at ang layunin o pananaw ng manunulat
Sintopikal
Nakabubuo ng sariling perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula sa paghahambing ng mga akdang inunawa