MENDP MKUNAAKNK

Cards (15)

  • Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa isang kuwento sa pelikula. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng kuwento
  • Sinematograpiya -Pagkuha ng wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera
  • Tunog at Musika - Pagpapalutang ng bawat tagpo at pagpapasidhi ng ugnayan ng tunog at linya ng mga diyalogo. Pinupukaw ang interes at damdamin ng manonood
  • Pananaliksik o Riserts - Isang mahalagang sangkap sa pagbuo at paglikha ng dokumentaryo dahil sa pamamagitan nito ay naiha-harap nang mahusay at makatotohanan ang mga detalye ng palabas
  • Disenyong Pamproduksyon - Pagpapanatili sa kaangkupan ng lugar, eksena, pananamit, at sitwasyon para sa masining na paglalahad ng biswal na pagkukuwento
  • Pagdidirehe - Mga paraan at diskarte ng direktor kung paano patatakbuhin ang kuwento sa telebisyon o pelikula
  • Pag-eedit - Ito ay pagpuputol, pagdudugtong-dugtong, muli ng mga negatibo mula sa mga eksenang nakunan na. Dito ay muling sinusuri ang mga tagpo upang tayain kung alin ang hindi na nararapat isama ngunit di makaaapekto sa kabuuan ng istorya ng pelikula dahil may laang oras/panahon ang isang pelikula
  • Establishing/Long Shot - Tinatawag ding "scene setting." Mula sa malayo ay kinukunan ang buong senaryo o lugar upang bigyan ng ideya ang manonood sa magiging takbo ng pelikula
  • Medium Shot - Kuha ng kamera mula sa tuhod pataas o mula baywang pataas. Karaniwang ginagamit para sa dalawang taong nag-uusap at pagpapakita ng isang maaksiyong detalye
  • Close-Up Shot - Ang pokus ay nasa isang partikular na bagaylamang. Hindi binibigyang-ddin ang nasa paligid
  • Extreme Close-Up Shot - Ang pinakamataas na lebelng close-up shot. Ang pinakapokus ay nasa isang detalye lamang mula sa close-up shot
  • High Angle Shot - Ang kamera ay nasa bahaging itaas kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa mataas na bahagi tungo sa ilalim
  • Low Angle Shot - Ang kamera ay nasa bahaging ibaba kaya ang anggulo o pokus ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas
  • Birds Eye View - Maaari ring maging isang "aerial shot" na anggulo na nagmumula sa napakataas na bahagi at ang tingin ay nasa ibabang bahagi
  • Panning Shot - Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng isang kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan