QUARTER 3

Cards (161)

  • Ano ang saklaw ng pag-aaral ng Makroekonomiks?
    Pag-aaral ng kabuoan ng pang-ekonomikong kalagayan
  • Ano ang mga layunin ng Makroekonomiks?
    1. Paglago ng ekonomiya sa mataas na kita
    2. Sapat na trabaho para sa lahat
    3. Matatag na presyo ng mga bilihin
  • Anong taon naranasan ng United States ang Great Depression?
    Noong 1930
  • Sino ang tinuturing na ama ng makroekonomiks?
    John Maynard Keynes
  • Ano ang mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya?
    1. Sambahayan
    2. Bahay-Kalakal
    3. Pamahalaan
    4. Pamilihang Pinansyal
    5. Panlabas na sektor
  • Ano ang binubuo ng sambahayan sa paikot na daloy ng ekonomiya?
    Mga konsyumer at may-ari ng salik ng produksyon
  • Ano ang papel ng bahay-kalakal sa paikot na daloy ng ekonomiya?
    Tagagawa ng kalakal at serbisyo
  • Ano ang ginagawa ng pamahalaan sa paikot na daloy ng ekonomiya?
    Nangongolekta ng buwis at nagbibigay ng serbisyo
  • Ano ang ginagawa ng pamilihang pinansyal?
    Tumatanggap ng ipon at nagpapautang ng pondo
  • Ano ang ibig sabihin ng export sa panlabas na sektor?
    Nagbebenta sa ibang bansa
  • Ano ang import sa panlabas na sektor?
    Bumibili sa ibang bansa
  • Ano ang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ayon kay Francois Quesnay?
    • Inilathala noong 1758
    • Naglalarawan ng mga gumagawa at gumagasta
    • Nagbibigay ng paliwanag sa paglaki ng ekonomiya
  • Ano ang market economy?
    Sistemang ekonomiya ng indibidwal at kumpanya
  • Ano ang tatlong aktor/gampanin ng ekonomiya?
    1. Proprietary Class
    2. Productive Class
    3. Sterile Class
  • Ano ang payak na modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya?
    • Nagsasaad na ang lumilikha ng produkto ay konsyumer
    • Demand ng sambahayan ay supply ng bahay-kalakal
    • Self-sufficient na ekonomiya
  • Ano ang pamilihan ng salik ng produksyon?
    Ang sambahayan ay nagbebenta ng salik ng produksyon
  • Ano ang pamilihan ng mga tapos na produkto?
    Ang bahay-kalakal ay nagbebenta ng tapos na produkto
  • Ano ang ikalawang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya?
    • Sambahayan ay may demand ngunit walang kakayahan
    • Bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha
    • Kailangan bumili ng salik ng produksiyon
  • Paano kumikita ang sambahayan at bahay-kalakal?
    • Sambahayan kumukonsumo sa pamilihan
    • Bayarin ng sambahayan ay kita ng bahay-kalakal
    • Kita ng bahay-kalakal ay nagbabayad sa produksyon
  • Ano ang ikatlong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya?
    • Nag-iimpok ang mamimili para sa hinaharap
    • Ang bahagi ng kita na hindi ginagastos ay impok
    • Leakage sa pamamagitan ng pag-iimpok sa pamilihang pinansyal
  • Paano bumabalik ang salaping inimpok sa pamilihang pinansiyal?
    Sa pamamagitan ng pagpapautang at pamumuhunan
  • Paano nakikinabang ang mga nag-impok sa pamilihang pinansiyal?
    Kapag kumita, ibabalik ang hiniram na salapi
  • Ano ang tatlong uri ng kita?
    1. National Income
    2. Personal Income
    3. Disposable Income
  • Ano ang national income?
    Panukat ng kabuuang kita ng isang bansa
  • Ano ang personal income?
    Kabuuang kita ng mga tao at non-profit organizations
  • Ano ang disposable income?
    Kabuuang natitirang kita matapos ang buwis
  • Ano ang papel ng pamahalaan sa paikot na daloy ng ekonomiya?
    • Kumikilos tulad ng sambahayan sa pamilihan
    • Tinutustusan ang pampublikong serbisyo
    • Kinokolekta ang buwis mula sa sambahayan at bahay-kalakal
  • Bakit kailangan ng pamahalaan na pumasok sa paikot na daloy ng ekonomiya?
    Upang maipagkaloob ang mga kalakal at serbisyo
  • Ano ang ikalimang sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya?
    • Panlabas na sektor
    • Nagbibigay ng bagong oportunidad
    • Tinatawag na open economy
  • Ano ang globalisasyon?
    Malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga bansa
  • Ano ang pandagdigang kalakalan?
    Nagbubukas ng panibagong oportunidad para sa mga sambahayan
  • Ano ang net export?
    Kitang pumapasok mula sa export minus import
  • Ano ang pambansang kita?
    Kailangan upang mapag-aralan ang kalagayan ng pamumuhay
  • Ano ang per capita income?
    Kita na dapat mayroon ang bawat mamamayan
  • Ano ang National Economic Development Authority?
    Ahensya na tumutulong sa pagsukat ng pambansang kita
  • Ano ang Gross National Income (GNI)?
    Kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo
  • Ano ang mga hindi kasama sa pagkuwenta ng GNI?
    Intermediate goods, underground goods, second hand goods
  • Ano ang iba't ibang uri ng GNP/GNI?
    1. Nominal at Real
    2. Potential at Actual
  • Ano ang nominal GNI/GNP?
    Kabuuang produksiyon batay sa kasalukuyang presyo
  • Ano ang real GNI/GNP?
    Kabuuang produksiyon batay sa presyo ng base year