Demand Pull Inflation ay nagpapakita ng kalagayan na mas mataas ang aggregate demand kaysa sa aggregate supply, na tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na handang-isupply ng mga negosyante sa buong ekonomiya
Milton Friedman: 'Ang pagkakaroon ng labis na dami ng salapi na nasa sirkulasyon na tinatawag na money supply ay isang dahilan kung bakit nagagawa ng bawat sektor na pataasin ang kanilang demand'
Isa sa pinagbabatayan ng pagtatakda ng presyo ng bilihin ay ang gastos sa produksiyon. Ang pagtaas ng mga gastusin ng produksiyon ang sanhi ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin
Ang pamahalaan ay may mga patakaran na sinusunod, sa pagpapatakabo at pagsasaayos ng ekonomiya. Ilan sa mga ito ay may kinalaman sa presyo sa pamilihan, pagtatakda ng bagong sistema ng buwis at pagpapatupad ng dollar-peso exc
Implasyon ay masasabing may mabuti at hindi mabuting ibinubunga sa ekonomiya. Dahil sa nakasentro ang kaisipan ng maraming tao sa pagtaas ng presyo ng mga produkto, hindi na napapansin na may mabuting naidudulot ang implasyon
Mga Taong Hindi Tiyak ang Kita-ang mga entreprenyur, negosyante, empleyado na nagkita ay commission, basis, salesman, kapitalista at iba pa ay mga taong ang kinikita ay umaagapay sa pagbabago ng presyo at nakikinabang din sa implasyon
Mga Mangungutang - Kapag ang interes ng inutang ay mas mababa kaysa sa antas ng implasyon sa loob ng isang takdang panahon, ang mga mangungutang ay higit na nakikinabang sapagkat nabili na ang gustong produkto sa mas mababang presyo
Kapag ang interes ng inutang ay mas mababa kaysa sa antas ng implasyon sa loob ng isang takdang panahon, ang mga mangungutang ay higit na nakikinabang sapagkat nabili na ang gustong produkto sa mas mababang presyo at magbabayad ng utang sa mas mababang halaga
Karaniwang mga negosyante na nasa real estate business at buy-and-sell ang mahilig bumili ng mga produkto na mabilis tumaas ang presyo tulad ng lupa, mga mamahaling alahas, mamahaling sasakyan, condominium at iba pa ang napapakinabangan kapag may implasyon
Ang pag-iimpok ay isang gawain ng tao na mahalaga sa ekonomiya. Ngunit sa panahon ng pagkakaroon ng mas mataas na antas ng implasyon kaysa sa interes ng salaping idineposito sa bangko ay nalulugi ang nag-iimpok
Ang pagtatakda ng interes sa pautang na mas mababa kaysa sa naging antas ng implasyon ang dahilan ng pagkalugi ng mga nagpapautang. Ang interes na kanilang siningil sa umutang ay hindi sapat upang masabayan ang pagtaas ng presyo
Ang pagkakaroon ng tiyak na kita ay hindi mainam sa panahon ng implasyon dahil bumababa ang purchasing power ng tao. Ang mga empleyado at manggagawa tulad ng guro, janitor, factory worker, manager, nars, clerk