Fil quiz m3

Subdecks (1)

Cards (47)

  • Teksto
    Ito ay isang uri ng babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa iba’t ibang tao o impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay
  • Pagsusuri
    Proseso ng paghihimay ng isang paksa upang maging mas maliit na mga bahagi upang makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa sa teksto
  • Tekstong Impormatibo
    Naglalayong magbigay ng impormasyon ng malinaw at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa tulad ng sa mga hayop, isports, agham, kasaysayan, gawain, paglalakbay, heograpiya, kalawakan, panahon, at iba pa
  • Ekspositori
    Anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay impormasyon na nakabase sa katotohanan at mga datos
  • Impormasyong nakukuha mula sa isang tekstong impormatibo
    • Impormasyong hango sa isang sangguniang nasaliksik
    • Impormasyong natuklasan buhat sa tekstong binabasa
    • Impormasyong nauugnay sa isang reyalidad na naging impormatibo
    • Impormasyong bago buhat sa mas malalim pang pananaliksik ng sumulat
  • Elemento ng Tekstong Impormatibo
    • Layunin ng may-akda: pinapalawak ang kaalaman ukol sa isang paksa na kaugnay sa pagbibigay o paglalahad ng impormasyon
    • Pangunahing Ideya: inilalahad ang mga ideya sa mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi
    • Pantulong na kaisipan: paglalagay ng mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang nais maiwan o matanim ng may-akda
  • Mga estilo sa pagsulat
    • Paggamit ng mga nakalarawang represenstasyon
    • Pagbibigay diin sa mahalagang salita sa teksto
    • Pagsulat ng talasanggunian
  • Mga uri ng Tekstong Impormatibo
    • Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan
    • Pag-uulat pang-impormasyon
    • Pagpapaliwanag
  • Uri ng Tekstong Impormatibo
    • Paglalahad ng totoong pangyayari/kasaysayan
    • Pag-uulat pang-impormasyon
    • Pagpapaliwana
  • Pag-uulat pang-impormasyon
    Nakalahad ang mahahalagang kaalaman patungkol sa tao, hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di-nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa paligid
  • Pagpapaliwanag
    Nagbibigay paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay o pangyayari
  • Bahagi ng Tekstong Impormatibo
    • Panimula
    • Pamungad na pagtalakay sa paksa
    • Graphical representation
    • Aktuwal na pagtalakay sa paksa
    • Mahahalagang datos
    • Pagbanggit sa mga sangguniang ginamit
    • Paglalagom
    • Pagsulat ng Sanggunian
  • Panimula
    Magsisilbing hudyat ng pagpapakilala sa paksang mayroon ang isang tekstong impormatibo
  • Pamungad na pagtalakay sa paksa
    Nakasaad ang buwelo ng pagtalakay sa paksa
  • Graphical representation
    Magbibigay ng mas mainam na pag-unawa sa pagtalakay ng kahit na anong paksa
  • Aktuwal na pagtalakay sa paksa
    Nabubuo ang komprehensibong pagtalakay sa paksa
  • Mahahalagang datos
    Magpapatunay hinggil sa kaayusan at kabuluhan ng teksto bilang isa sa mga pangunahing batayan ng isinasagawang pananaliksik
  • Pagbanggit sa mga sangguniang ginamit

    Bahagi ng etika ng pagsusulat, lalo't higit sa larangan ng pananaliksik, ang pagbanggit sa mga sanggunian ng isinusulat
  • Paglalagom
    Magkaroon ng sapat na pagkapit o pagkakaayon sa isinasagawang pagtalakay
  • Pagsulat ng Sanggunian
    Inililista o isinusulat ang lahat ng pinagsanggunian nang kompleto at buo ayon sa pagkakagamit nito sa loob ng teksto
  • Paraan ng Pagpapahayag ng Impormasyon sa Tekstong Impormatibo
    • Pagbibigay depinisyon ng mga salitang bago sa mambabasa
    • Pagbibigay diin
    • Paglalagay ng talaan ng nilalaman, glosari, at indeks
    • Paggamit ng mga grapikong pantulong, ilustrasyon, tsart at larawan