Fil quiz m4

Cards (26)

  • Uri ng Tekstong Deskriptibo
    • Karaniwang paglalarawan: purong pangkaalaman ang mga detalyeng sinasabi at mga tiyak na impormasyon
    • Masining na paglalarawan: hindi payak ang pamamaraan ng pagbuo ng mga malikhaing paglalarawan subalit gumagamit pa rin ito ng mga salitang panuring na ang kaibahan lamang ay nasa mataas at mas mabulaklak na pamaraan
  • Mahahalagang Kasangkapan ng Masining na Paglalarawan o Diskripsyon
    • Imijri o Paglalarawang Diwa o Mapapandamang Salita
    • Paghahambing o Metafor
    • Pag-aangkop ng mga Salita
    • Pagtatambis
    • Pagtatayutay
    • Pagbibigay kahulugan o depenisyon
  • Imijri o Paglalarawang Diwa o Mapapandamang Salita
    Pagpukaw sa mga pandama gamit ang nararamdaman, naririnig, nakikita, nalalasahan, naaamoy, at nahihipo
  • Larawang diwang kinestetik
    • Sensasyon na may kaugnayan sa mga pagkilos ng kalamnan at nerbyos gaya ng pulikat, paninikip ng dibdib, at pangangapos ng hininga
  • Larawang diwang organik
    • Pangangasim ng sikmura, pagkahilo, pagkagutom, pagkauhaw, pangingilo, pagkasulasok, pandidiri, panririmarim
  • Paghahambing o Metafor

    Paglilinaw ng mga bagay-bagay sa pamamagitan ng paghahambing o pagtutulad
  • Pag-aangkop ng mga Salita
    Pagpili ng mga salita na tiyak na nagpapahiwatig ng bagay na inilalarawan
  • Pagtatambis
    Popular na idyomang bukambibig ng madla sa pagsasalita na lumilihis sa literal na kahulugan
  • Pagtayutay
    Salita o pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin
  • Pagbibigay kahulugan o depenisyon
    Pagpapaliwanag o pagtukoy ng kahulugan ng isang bagay
  • Pagtatayutay
    Ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang-diin ang isang kaisipan o damdamin
  • Tekstong Deskriptibo
    • May isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa
    • Maaaring maging obhetibo o suhetibo
    • Maaari ding magbigay ng pagkakataon sa manunulat na gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan
  • Obhetibong paglalarawan
    May direktang pagpapakita ng katangiang makatotohanan at ‘di mapasusubalian
  • Subhetibong deskripsyon
    Maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan at naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa inilalarawan
  • Mga Sulating Gumagamit ng Paglalarawan
    • Lakbay Sanaysay
    • Polyetong Panturismo
    • Sanaysay
    • Suring Basa
    • Talambuhay
    • Talaarawan
  • Sanaysay
    Isang anyo ng pagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ng isang may-akda hinggil sa isang suliranin o paksa
  • Suring Basa
    Pagsusuri ng mga teksto upang malaman ang kahalagahan at magawan ng buod ang isang teksto
  • Talambuhay
    Kasaysayan ng buhay ng isang tao, maaaring maging pansarili ang isinusulat na talambuhay
  • Talaarawan
    Kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw, sumusunod sa porma ng kalendaryo
  • Rebyung Pampelikula
    Pagsusuri sa konsepto at mga elementong tulad ng banghay, mga karakter, lunan o pangyayari at temang taglay ng pelikula
  • Mga Hakbanging Dapat Tandaan Tungo sa Mabisang Paglalarawan
    • Pagpili ng paksa
    • Pagbuo ng Pangunahing Larawan
    • Pagpili ng Sariling Pananaw
    • Pagkakaroon ng Kaisahan
    • Pagpapasya sa mga aspektong isasama sa paglalarawan
  • Pagpili ng paksa ang laging unang isinasaisip sa paglalarawan
  • Pagbuo ng Pangunahing Larawan ay ang pangkalahatang kabuuang larawan ng isang tao, hayop, bagay, pook o pangyayari
  • Pagpili ng Sariling Pananaw ay mahalaga sa paglalarawan
  • Pagkakaroon ng Kaisahan sa paglalarawan ay mahalaga
  • Pagpapasya sa mga aspektong isasama sa paglalarawan ay kailangan