Deskriptibo

Cards (21)

  • Ang tekstong deskriptibo ay ginagamit upang mailarawan ang katangian ng isang tao, lugar, hayop, bagay o pangyayari. Ito ay isang biswal na konsepto.
  •  Ang tekstong deskriptibo ay ginagamit ng pangabay at panguri.
    • Pangabay - salitang naglalarawan sa kilos o pandiwa
    • Pang-uri - salitang naglalarawan ng pangngalan o panghalip
  • Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring maging subhetibo/subhektibo o obhetibo/obhektibo.
    • Subhetibo/Subhektibo ay nakabatay lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay. Karaniwang nangyayari sa paglalarawan sa mga tekstong naratibo.
  • •Obhetibo/Obhektibo – may pinagbatayang katotohanan
  •  Upang mas maging mahusay ang paglikha ng tekstong ito ay ginagamitan ito ng iba‘t ibang cohesive devices.
  • Ang Kohesyong gramatikal ay mga salitang pananda na ginagamit upang magsilbing pamalit upang hindi paulit-ulit ang salita.
  • Ang limang pangunahing cohesive device o kohesyong gramatikal ay ang sumusunod:
    • reperensiya (reference)
    • substitusyon (substitution)
    • ellipsis
    • pang-ugnay
    • at leksikal
  • Reperensiya (Reference) – salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang pinag-uusapan sa pangungusap. Maaari itong maging Anapora o Katapora
  • Anapora - Ang elementong pinalitan ng panghalip ay unang nabanggit sa unahan ng texto o pahayag o panghalip sa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalang binanggit sa unahan. (Pangngalan – Panghalip)
    • Ibon ang gusto kong alagaan. Ito kasi ay napakagandang pagmasdan.
    • Si Madel ang napakahusay na mag-aaral. Siya ay kinagigiliwan ng lahat.
  • Katapora - Ang elementong pinalitan ng panghalip ay binabanggit pagkatapos ng panghalip na inihalili o ipinalit: panghalip na ginamit sa unahan ng texto o pahayag bilang pananda sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng texto o pahayag.
    (Panghalip – Pangngalan)
    • Siya ang nagbibigay sa‘kin ng inspirasyong pumasok sa paaralan. Nagbibigay sa‘kin ng saya si Bb. Sirapin ang aking butihing guro.
    • Ito ang natatanging kayamanang maipapamamana ko sa‘yo. Ingatan mo ang aking kwintas mahal kong anak.
  • Substitusyon (Substitution) – Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.
    • Natapon ko ang kape mo, ipagtitimpla na lamang kita ng mainit.
    • Ang dumi naman ng damit mo, palitan mo nga iyan ng malinis.
  • Ellipsis – may binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap.
    • Nagpunta ako sa kanyang malaking bahay, akala ko‘y maliit lamang.
    • Kumain ng talong lumpia si Agnes at si Ran naman ay dalawa
  • Pang-ugnay - gumagamit ng mga pag-ugnay na uugnay ng sugnay sa ugnay, parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap.
  • Reiterasyon - ginagawa o sinasabi ay nauulit nang ilang beses.
    • Pag-uulit o repetisyon - “Maraming bata ang hindi nakapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nag tatrabaho na sa murang edad pa lamang.”
    • Pag-iisa-isa - “Nagtanim sila ng gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay kamatis, talong, sitaw at patani.”
    • Pagbibigay-kahulugan - “Maraming sa mga batang mangagawa ang nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila kaya hindi sila nakapag-aral
  • Kolokasyon- Ito ay mga magkakaugnay na salita na kapag sinabi ang isa ay naiisip na rin ang isa.
    • Kape-gatas, tokwa-baboy, urong-sulong, nanay-tatay, langit-lupa, kutsara- tinidor, maputi- maitim, araw-gabi, matangkad-maliit, mayaman-mahirap  
  • Paglalarawan sa tauhan - Ito ay paglalarawan sa anyo o katangian ng isang tauhan.
  • Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon - Ito ay bahagi pa rin ng paglalarawan sa tauhan subalit ito ay nakapokus lamang sa kung anong nararamdaman ng tauhan at hindi sa pisikal na itsura o katangian.
    • Pagsasaad sa aktuwal na nararanasan ng tauhan
    • Paggamit ng diyalogo o iniisip
    • Pagsasaad sa ginawa ng tauhan
    • Paggamit ng tayutay o matatalinghhagang pananalita
  •  Paglalarawan sa Tagpuan - Dito inilalarawan kung saan at kailan naganap ang pangyayari. Dapat ay maisaad an gang itsura, naririnig, naaamoy, pakiramdam, at maaari ding isama ang mga lasa ng pagkain sa lugar na nabanggit.
  • Paglalarawan sa mahalagang bagay - Ito ay paglalarawan sa isang napakahalagang bagay sa akda. Katulad ng ibang uri ng paglalarawan ay kailangang mailarawan din ito nang mabuti, kung saan ito nagmula, anong itsura, kulay at iba pang katangian nito.
  • Tandaan: Karaniwang bahagi lang ng ibang teksto ang tekstong deskriptibo – ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging kabahagi ng iba pang uri ng teksto partikular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangang ilarawan ang mga tauhan, tagpuan, damdamin, ang tono ng pagsasalaysay at iba pa