Naratibo

Cards (25)

  • Ang tekstong naratibo
    • pagsasalaysay o pagkukwento ng mga pangyayari.
    • nakapagtuturo ng kabutihang-asal, mahalagang aral, at mga pagpapahalagang pangkatauhan.
    • nakabatay sa totoong pangyayari at maaari ding sa kathang isip lamang.
  • Punto de Vista - Ito ang mga nagsisilbing mga matang tumutunghay sa isang akda. Ito ang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa isang kwento.
    • Unang Panauhan- Kabilang sa mga tauhan ang nagsasalaysay ng mga pangyayari gayundin ang mga diyalogo at nararamdaman. Ito ay ginagamitan ng panghalip na ako.
    • Ikalawang Panauhan - dito mistulang kinakausap ng manunulat ang tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga panghalip na KA at IKAW.
  • Ikatlong Panauhan - Taga-obserba lamang ito
  • Mala-Diyos na Panauhan - Nababatid lahat ng iniisip at nararamdaman ng mga tauhan
  • Limitadong Panauhan - Tanging mga kilos at iniisip lamang ng isang tauhan ang kayang niyang pasukin at hindi ang iba pa
  • Tagapag-obserbang Panauhan - mga nakikita at naririnig lamang ang kaya niyang isalaysay
  • Kombinasyong Paningin - Iba‘t ibang paningin ang ginagamit kaya‘t hindi lamang iisa ang ginamit sa pagsasalaysay
  • Direkta o Tuwirang Pagpapahayag - ganitong uri ng pagpapahayag, ang tauhan ay direktang o tuwirang nagsasaad o nagsasabi ng kanyang saloobin, diyalogo, o damdamin. Ito ay ginagamitan ng PANIPI (")
  • Di Direkta o Di Tuwirang Pagpapahayag - Ang tagapagsalaysay ang naglalahad sa sinasabi, iniisip o nararamdaman ng tauhan sa ganitong uri ng pagpapahayag. Hindi na ito ginagamitan ng PANIPI.
    • Expository – kung saan ang tagapagsalaysay ang magpapakilala o maglalarawan sa pagkatao ng tauhan
    • Dramatiko – kung kusang mabubunyag ang karakter dahil sa kanyang pagkilos o pagpapahayag
  • Tauhan - Ang mga taong gumaganap sa kwento. Iba-iba ang katangiang ginagampanan ang bawat tauhan.
  • Pangunahing Tauhan (Protagonista)- Sa kanila umiikot ang buong kwento. Kadalasang isa lamang ang pangunahing tauhan subalit maaari ding magkapares o kaya naman ay isang grupo.
  • Katunggaling Tauhan (Antagonista)- Siya ang pangunahing katunggali ng pangunahing tauhan. Ang antagonista ay ang kadalasang nagbibigay kulay o bumubuhay sa isang kwento.
  • Kasamang Tauhan- Mga sumusuportang tauhan. Kadalasang kasangga ng pangunahing tauhan.
  • Ang may-akda- sinasabing ang pangunahing tauhan at ang may-akda ay laging magkasama sa kabuan ng ay laging magkasama sa kabuan ng akda, sapagkat sa likod ng kwento ay nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor.
  • Ayon kay E.M. Forster, isang Ingles na manunulat, may dalawang uri pa ng tauhang makikita sa naratibo
  • Tauhang Bilog - isang tauhang may maraming saklaw ang personalidad. Nagbabago ang taglay niyang katangian
  • Tauhang Lapad - tauhang nagtataglay ng iisa o dadalawang katangian madaling matukoy. Karaniwang hindi nagbabago o nag-iiba ang katangian nito.
  • Tagpuan at panahon - Dito nakapaloob ang lugar kung saan naganap ang mga pangyayari, nakasaad din kung kailan tulad ng oras, petsa, at taon. Kinakailangan ding isama ang damdamin o emosyong namamayani sa mga oras na iyo.
  • Banghay - Ito ay tumutukoy sa maayos na daloy o pagkakasunod sunod ng mga pangyayari. Introduksyon o simula, suliranin, saglit na kasiglahan, wakas, kalakasan, kasukdulan.
  • Anachrony - mga pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkasunod-sunod.
    • Analepsis(Flashback)- Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas.
    • Prolepsis(Flash-Forward)- Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring magaganap pa lang sa hinaharap.
    • Ellipsis - may mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysayna tinanggal o hindi isinama
  • Paksa o Tema
    • Ito ay tumutukoy kung saan pumapatungkol ang kwento. Nagsisilbing pinakasentral na ideya kung saan umiikot ang buong pangyayari.