Ibong Adarna

Subdecks (1)

Cards (86)

  • Makikita sa Ibong Adarna ang:
    Pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal
    Mataas na pagpapahalaga sa pamilya
    Paggalang sa magulang
    Paggalang sa nakatatanda
    Pagtulong
    Pagtanaw ng utang na loob
    Pagpapahalaga sa puri at dangal ng kababaihan
    Pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob
  • Ang Ibong Adarna ay panitikang pantakas dahil ang mga Pilipinong naghirap noon ay naligayahan at nakatakas sa kanilang kalagayan dahil sa pagbabasa nito.
  • Ang mga sipi ng Ibong Adarna ay ipinagbibili sa mga perya.
  • Berbanya ang kaharian ni Haring Fernando at Donya Valeriana.
  • Piedras Platas ang punong tirahan ng ibong adarna.
  • Ketong o leprosi ang sakit ng matandang nasalubong ni Don Juan.
  • Nanghingi ng bendisyon si Don Juan bago siya umalis sa kaharian.
  • 3 taong hindi bumalik ang mga kapatid ni Don Juan.
  • 5 tinapay ang binaon ni Don Juan.
  • Ermitanyo ay nagsimula sa salitang Griyego na eremia na ibigsabihin ay disyerto.
  • Ermitanyo ay naninirahan nang mag-isa, may mahabang balbas, at may simpleng pananamit at pamumuhay.
  • Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng labaha, hinog na dayap, at gintong sintas.
  • 7 kanta ang inaawit ng ibong adarna.
  • Binuhos ni Don Juan ang tubig sa banga sa mga bato at doon muli naging tao ang kanyang mga kapatid.
  • Isipi talangka o crab mentality ay nagsasabing "If I can't have it, neither can you."
  • 3 buwan ang paglalakbay ni Don Pedro.
  • 7 beses nagpapalit ng balahibo ang Adarna.
  • Mahal na Birheng Maria ay ang huwarang modelo ng kabanalan.
  • Nakatira ang ermitanyo sa bahay sa ibaba ng Piedras Platas.
  • Kamukha ng ermitanyo si Hesukristo.
  • San Jerome ay isang ginagalang na ermitanyo. Siya ay tinuturing na doktor ng simbahan na naglaan ng buhay sa pagsasalin ng Bibliya sa sa iba't-ibang wika.
  • Gumaling ang 7 sugat ni Don Juan dahil sa lamang nasa botelya ng ermitanyo.
  • Bernardo Carpio ay tauhan sa romansang metriko na may pambihirang lakas na naging kampeon sa pakikidigma ng mga Kristiyano sa mga Moro.
  • Bernardo Carpio ay hari ng mga Tagalog na nakaipit sa nag-uumpugang bato.
  • Nang manalangin si Don Juan matapos siyang bugbugin ng 2 kapatid, nakakita siya ng maningning na bituin.
  • Nakita ng isang matandang manggagamot si Don Juan at siya ay nilagyan ng mga gamot.
  • Inisip ni Don Juan na ang matandang manggagamot ay ang Diyos.
  • Dayap ay uri ng sitrus na tumataas ng 2 hanggang 4 na metro.
  • Ang sawa o boa constrictor o python ay isang uri ng ahas na humahaba hanggang 30 feet at natatagpuan sa Africa, Asia, at Australia.
  • Talampas o plateau ay anyong-lupa na patag na nasa taas ng bundok o burol.
  • Sampaga o Jasmin at Milegwas ay mababangong bulaklak. Sampaga o Jasmin ay puti at Milegwas ay dilaw.
  • Pandanggo ay masayang sayaw na sinasabayan ng palakpak. Ito ay mula sa Espanyol na fandango.
  • Pandanggo sa Ilaw ng Mindoro at Sayaw sa Obando ng Bulacan ay mga sikat na pandanggo.
  • Kumintang ay kantang tungkol sa pag-ibig at panliligaw na sinasayaw sa kasalan.
  • Limbas ay uri ng ibong lawin na may mahabang pakpak, kakaibang tuka, at ngipin sa dulo ng pang-itaas na panga.
  • Pumunta sa bundok Armenya si Don Juan matapos itakas ang Ibong Adarna.
  • Sumama sa bundok Armenya ang 2 kapatid upang silang 3 ay magkasamang tumuklas ng kapalaran sa ibang kaharian.
  • Marmol ay mula sa limestone o dolomite.
  • Balabal o alampay o shawl ay proteksiyon sa ulo kapag malamig.
  • Dipa ay sinaunang panukat ng mga Pilipino.