Pagbasa

Cards (18)

  • Ang tono ng tekstong ito ay sobhetibo kung saan nakabatay ang manunulat sa kanyang mga ideya.
  • Layunin ng tekstong persweysiv ang maglahad ng isang opinyong kailangang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang makumbinsi ang mga mambabasa.
  • Ito ang uri ng tekstong ginagamit sa radyo at telebisyon.
  • Gumagamit ito ng mga nakakaganyak na salita.
  • Ang mga halimbawa ng tekstong persweysiv ay iskrip sa patalastas, talumpati, propaganda sa eleksyon, flyers ng mga produkto, brochures.
  • Tatlong Paraan/Elemento ng Panghihikayat ayon kay Aristotle
    Ethos

    Pathos

    Logos
  • Ethos
    Nalimpluwensiyahan ng karakter at kredibilidad ng tagapagsalita ang paniniwala ng mga tagapakinig
  • Pathos Pag-epila sa damdamin ng mga tagapakinig. Ito marahil ang pinakamahalagang paraan upang makahikayat.
  • Logos Paraan ng paghikayat na umaapila sa isip.
  • Propaganda devices o mga ginagamit na instrumento ng tekstong persweysib sa pang-aakit ng madla:
    Name calling
    Glittering generalities
    Transfer
    Testimonial
    Plane folks
    Bandwagon
    Card stacking
  • Name Calling —Ang name calling ay ang hindi magagandang puna o taguri sa isang tao o bagay.
    Halimbawa:

    Ang pagsisiraan ng mga kandidato kapası eleksiyon tuwing erleksiyon ay nagbibigay ng di magagandang puna ang kandidato sa kalaban nila sa pwesto tulad ng kurakot, kukunin lamang ang kaban ng bayan, bagito sa politika atbp
  • Glittering Generalities - Ito ay ang pangungumbinsi sa pamamagitan ng magaganda, nakakasilaw, at mga mabubulaklak na salita o pahayag.
    Halimbawa:
    ➤ Sa isang komersyal ng sikat na aktor na papakita na sa kahit anong sitwasyon, kapag ginamit mo ang produktong iyon ay gwapo ka sa lahat ng pagkakataon.
  • Transfer -Ito ay paglilipat ng kasikatan ng isang personalidad sa hindi kilalang tao o produkto.
    Halimbawa:

    ➤ Pagpromote ng isang artista sa hindi sikat na brand

    ➤ Kilala ang isang reporter bilang mahilig tumuklas ng bagay bagay tungkol sa mundo lalo na sa siyensya, dahil siya ay sikat sa ganoong larangan, pinipikaiya upang magpromote ng mga gamot na di pa masyadong sikat sa merkado
  • Testimonial -Ito ang propaganda device kung saan tuwirang eneendorso o pino-promote ng isang tao ang kanyang tao o produkto.
    Halimbawa:

    ➤ Kapag eleksiyon, sinasabi at nagbibigay ng testimonya ang kandidato na huwag ding kakalimutan ng sambayanan ang kanyang kapartido.
  • Plain Folks —Uri ng propaganda kung saan ang nagsasalita ay nanghihikayat sa pamamagitan ng pagpapakapayak tulad ng isang ordinaryong tao para makuha ang tiwala ng sambayanan. Ito ay kalimitang ginagamit ng mga tumatakbo sa politiko.
    Halimbawa:

    ➤ Ang kandidato tuwing eleksiyon ay hindi magsusuot ng magagarbong damit at pinapakita nila na nagmula at galing rin sila sa hirap
  • Bandwagon —Hinihikayat ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa mga ito na ang masa ay tumatangkilik at gumagamit na ng kanilang produkito o serbisyo.
    Halimbawa:

    ➤ isang sikat na couner. Lahat ng tao ay dito na nagpapadala.

    ➤ Isang sikat na drugstore: Tagapagpagaling ng Pilipinas.

    > Isang sikat ne dishwashing liquid: Pinapakita sa komersyal nila na ang mga tao sa iba't ibang parte ng Pilipinas ay gumagamit na ng dishwashing liquid sa paghuhugas ng pinggan dahil ito ay epektibo sa pagtangal ng sebo
  • Card Stacking -Pagsasabi ng maganda puna sa isang produkto ngunit hindi sinasabi ang masamang epekto nito. Halimbawa: - Isang instant noodles, pinapakita rito ang magandang dulot nito sa pamilya, ngunit sa labis na pagkain nito, nagdudulot ito ng sakit sa bato at urinary tract infection
  • Ang tekstong persweysiv ay tekstong nanghihikayat. Ito ay isang uri ng sulatin kung saan ang manunulat ay gumagamit ng mga pananalitang tumutulong upang mahikayat ang mga mambabasa at tagapakinig na paniwalaan ang inihahayag nitong ideya o paniniwala.