tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.
Ang tekstong ito ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.
tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi
Inilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi.
Ang tekstong persuweysib ay may SUBHETIBONG tono.
Ethos
tumutukoy ito sa kredibilidad ng manunulat. Kailangang may angking kahusayan tungkol sa kanyang sinusulat o sinasabi.
Pathos
tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay epektibong paraan para makumbinsi sila.
Logos
Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos na inilatag ay dapat paniwalaan. Nakabatay sa totoong impormasyon o datos.
Name calling
Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto,serbisyo o katunggaling politiko upang hindi tangkilikin.
Halimbawa:
“Hanggang kailan ka gagamit ng mumurahing sabon? Hindi naman ito nakatutulong sa’yo.”
Glittering Generalities
Magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa.
Halimbawa:
“Masarap kahit walang sauce”- Chooks to go
Transfer
Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat ang kasikatan sa isang produkto o tao ang kasikatan.
Halimbawa:
Pag-eendorso ni Maine Mendoza sa iba’t ibang produkto.
Testimonial
Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto.
Halimbawa:
“Simple, natural and beautiful. I’m confident and happy because I’m a dove girl.”- Dove
Plain Folks
Ang mga tanyag o kilalang personalidad ay pinapalabas na ordinaryong taong nanghihikayat.
Halimbawa:
Pagsakay sa mga pampasaherong jeep ng mga senator upang makisalamuha sa mga simple mamamayan.
Card stacking
Magagandang katangian lamang ang binabanggit ngunit hindi binabanggit sa masamang katangian.
Halimbawa:
Ang instant noodles na ito ay nakabubuklod ng pamilya, nakatitipid ng oras, mura na masarap pa. (Ngunit hindi sinasabing nakasasama ito ng kalusugan)
Bandwagon
Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil lahat ay sumali na.