Filipino Module 4

Cards (87)

  • Si Maghan Sundiata, na tinatawag ding Mari Djata, ay anak ni Haring Maghan Kon Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou
  • Isang mahiwagang mangangaso ang humula na ang kanilang anak na lalaki ay magiging isang makapangyarihang pinuno na makahihigit pa kay Dakilang Alexander, ang maalamat na Griyegong mananakop
  • Namatay si Haring Maghan Kon Fatta kaya't hinirang ng kaniyang unang asawang si Sassouma Bérété ang sariling anak na si Dankaran Touma na tagapagmana ng trono ng ama
  • Madalas silang naninibugho kay Mari Djata at sa kaniyang ina, kaya't ipinatapon niya ang mag-anak sa likod ng palasyo
  • Nabuhay si Sogolon Kedjou sampu ng kaniyang mga anak sa tira ng Inang Reyna, pinagyayaman niya ang maliit na halamanan sa likuran ng nayon
  • Isang araw, kinapos siya ng pampalasa at nagtungo sa Inang Reyna upang magmakaawa para sa kaunting dahon ng baobab
  • Sassouma: '"Tingnan mo ang iyong sarili. Ang aking calabash ay puno. Tulungan mo ang iyong sarili, maralitang babae. Para sa akin, mayroon akong anak na nakalalakad sa edad na pito at siya ang nangangalap ng mga dahon ng baobab na iyan. Maaari mong kunin ang mga iyan sapagkat ang iyong anak ay hindi makalalamang sa aking anak."'
  • Natigagal si Sogolon. Hindi niya maisip na ang galit ay may puwersang napakalakas
  • Nilisan niya si Sassouma nang may bikig sa lalamunan
  • Sa labas ng kanilang kubo, si Mari Djata ay nakaupo sa kaniyang walang silbing mga binti at walang pakialam na sumusubo't tangan-tangan ang calabash
  • Sogolon: '"Oh! anak ng kasawiang-palad, hindi ka ba makalalakad? Dahil sa iyong pagkukulang, ako'y nakaranas ng matinding pangdudusta sa aking buhay! Ano ang aking pagkakamali? Panginoon, bakit mo ako pinarurusahan nang ganito?"'
  • Dinampot ni Mari Djata ang kaputol na kahoy at matiim na tumitig sa ina, "Inay, anong problema?"
  • "Manahimik ka, walang makapaparam ng pang-iinsultong aking tinamo."
  • "Mahusay, kung gayon, ako'y maglalakad sa araw na ito," sabi ni Mari Djata. "Puntahan mo ang panday ni ama at utusang hulmahin ang pinakamabigat na bakal. Inay, dahon lamang ba ng baobab ang iyong kailangan o nais mong dalhin ko sa iyo ang buong puno?"
  • "Ah, aking anak, upang tangayin ng hangin ang pang-aalipustang ito, ibig ko ng puno't ugat sa aking paanan sa labas ng ating dampa."
  • Nang dumating si Balla Fasséké at humiling ng tungkod na bakal, napabulalas si Farakourou, "Dumatal na ba ang dakilang araw?"
  • "Tumpak, ngayon ay isang namumukod na araw, isisiwalat ang hindi pa nasaksihan sa anomang pagkakataon."
  • Ang puno ng mga panday ay anak ng matandang si Noufaïri, at kawangki ng ama niya ay isa ring manghuhula
  • Tinawag ni Farakourou ang anim na baguhang manggagawa at ipinabuhat ang mga bakal upang dalhin sa tahanan ni Sogolon
  • Ni Mari Djata ang kaniyang pagkain at pilit na kinaladkad ang katawan, umupo sa malilim na dingding ng kubo sapagkat nakapapaso ang sinag ng araw
  • Ang laksang panday na nasa labas ng maharlikang pader ay okupado ng paggawa ng pana't palaso, sibat at kalasag na ginagamit ng mga mandirigma ng Niani
  • Lahat ay nagtataka kung saan nakalaan ang mga bakal
  • Walang ibang pinag-uusapan kundi si Djata; ang mga ina'y hinihikayat ang kanilang mga anak na lalaki na samahan si Djata sa pangangaso o makipaglaro
  • Si Sogolon ay napapalibutan ngayon ng mataas na paggalang; sa mga umpukan madalas na inihahambing ang kayumian ni Sogolon sa kapalalua't masamang hangarin ni Sassouma Barété
  • Ang bawat anak ay anak ng kaniyang ina, hinding-hindi makahihigit ang anak sa kaniyang ina
  • Hindi kataka-taka kung bakit si Dankaran Touma ay walang kabuhay-buhay, palibhasa'y ang kaniyang ina ay hindi man lamang nagpamalas nang kahit na katiting na pagpapahalaga sa kaniyang asawa
  • Ginunita ng mga tao ang mga tagpo nang siya'y nanibugho, nayamot at nagbitiw ng mga maaanghang na pananalitang ikinalat laban sa mga kapwa niya asawang babae at mga anak nito
  • Bata pa lamang si Sundiata ay naging mahusay na siyang mangangaso
  • Nang mabigo ang balak na pag-utas kay Djata nina Sassouma at Dankaran, ipinatapon nila ang mag-anak
  • Habang nagbibinata si Sundiata, ang may maitim na budhing si Soumaoro Kanté, isang manggagaway na hari ng kanugnog na kaharian, ay nang-aagaw at nananakop ng maraming bayan
  • Humayo si Sundiata at nagtayo ng kampo sa Dayala na nasa lambak ng Niger. Hinarangan niya ang daan ni Soumaoro patungo sa Timog
  • Ang griot ni Djatang si Ball Fasséké at Nana Triban, kapatid niyang babae sa ama na nadakip at nakulong sa karsel sa palasyo ni Soumaoro ay nakatakas.
  • Sumali sila sa pakikipagdigma ni Sundiata sa gabi ng mismong labanan sa Krina.
  • Si Fakoli Korona, pamangkin ni Soumaoro ay dumating din sa kampo.
  • Ipinangako nina Nana Triban at Fakoli ang katapatan kay Sundiata.
  • Inilantad ni Nana Triban ang lihim ni Soumaoro, inilahad niya kung paano matitiyak ni Sundiata na magagapi niya ang kalaban sa pamamagitan ng pagdampi sa balat niya ng tari ng tandang.
  • Inalis niya ang mahiwagang palaso sa pagkakasabit sa dingding. Ito'y tila hindi bakal, waring kahoy, at ang dulo'y ang matalim na tari ng puting tandang na makatatanggal ng tana ni Soumaoro, isang lihim na nailabas ni Nana Triban sa Sosso.
  • Nabahala si Djata sa mga binitiwang pahayag ni Nana Triban subalit kinalamay ni Balla Fasséké ang kaniyang kalooban sa pagsasabi sa kaniyang panaginip ay kaniyang malulupig ang mortal na kaaway.
  • Ang pangkat ni Sundiata'y pumuwesto mula sa gilid ng ilog hanggang sa kabilang ibayo, ngunit bulto ang bitbit na hukbo ni Soumaoro kayat ang ibang sofas na naiwan sa Krina ay umakyat sa burol upang panoorin ang digmaan.
  • Dahil sa malaking koronang suot ni Soumaoro, agad siyang nakita't natukoy mula sa kalayuan.