Previewing o surveying ng isang teksto sa pamamagitan ng mabilisang pagtingin sa mga larawan, pamagat, at pangalawang pamagat sa loob ng aklat
Habang Nagbabasa
1. Elaborasyon - Pagpapalawak at pagdaragdag ng bagong ideya sa impormasyong natutuhan mula sa teksto
2. Organisasyon - Pagbuo ng koneksiyon sa pagitan ng iba't ibang bahagi ng impormasyon na nakuha sa teksto
3. Pagbuo ng biswal na imahen - Paglikha ng mga imahen at larawan sa isipan ng mambabasa habang nagbabasa
Mga Kasanayan Habang Nagbabasa
Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
Biswalisasyon ng binabasa
Pagbuo ng koneksiyon
Paghihinuha
Pagsubaybay sa komprehensiyon
Muling pagbasa
Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
Binabago-bago ng mambabasa ang bilis o bagal ng pagbasa batay sa hirap ng teksto at personal na kakayahan sa pagbasa
Biswalisasyon ng binabasa
Gamit ang mga impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman, bumubuo ang mambabasa ng mga imahen sa kaniyang isip habang nagbabasa
Pagbuo ng Koneksiyon
Pagpapayaman ng ugnayan sa pagitan ng teksto at imbak na kaalaman upang matiyak ang komprehensyon
Paghihinuha
Pag-uugnay ng impormasyon mula sa teksto at imbak na kaalaman upang bumuo ng mga pahiwatig at kongklusyon sa kalalabasanng teksto
Pagsubaybay sa komprehensiyon
Pagtukoy sa mga posibleng kahirapan sa pagbasa ng teksto at paggawa ng mga hakbang upang masolusyonan ito
Muling Pagbasa
Muling pagbasa ng isang bahagi o kabuuan ng teksto kung kinakailangan kapag hindi ito naunawaan
Pagkuha ng Kahulugan mula sa konteksto
Paggamit ng iba't ibang estratehiyaupang alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita batay sa iba pang impormasyon sa teksto
Pagkatapos Magbasa
1. Pagtatasa ng komprehensiyon
2. Pagbubuod
3. Pagbuo ng sintesis
4. Ebalwasyon
Pagtatasa ng komprehensiyon
Sagutin ang iba't ibang tanong tungkol sa binasa upang matasa ang kabuuang komprehensiyon o pag-unawa sa binasa
Pagbubuod
Natutukoy ng manunulat ang pangunahing ideya at detalye sa binasa
Pagbuo ng sintesis
Bukod sa pagpapaikli ng teksto, ang pagbuo ng sintesis ay kinapapalooban ng pagbibigay ng perspektiba at pagtingin ng manunulat batay sa kaniyang pag-unawa
Ebalwasyon
Pagtataya ng mambabasa sa katumpakan at kaangkupan ng mga impormasyong nabasa sa teksto
Katotohanan
Mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamagitan ng empirikal na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon
Opinyon
Mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao
Layunin
Tumutukoy sa nais iparating at motibo ng manunulat sa teksto, at tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais solusyonan ng may-akda
Pananaw
Pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto, ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa tiyak na paksang tinatalakay
Damdamin
Ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto, maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan tungkol sa isang pangyayari o paksa
Paraphrase
Muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa
Abstrak
Isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pag-aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan
Rebyu
Isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkakasulat nito