Kahulugan at Anyo ng Diskriminasyon

Cards (32)

  • ang negatibo at hindi makatarungang pagtrato sa mga tao dahil sa pagkakaiba ng kanilang katangian
    Diskriminasyon
  • tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan
    Diskriminasyon
  • nangangahulugan na pagtatrato sa isang tao nang naiiba dahil sa palagay mo siya ay naiiba sayo
    Direktang Diskriminasyon
  • nangyayari kapag ang ilang mga hinihingi o mga patakaran ay mukhang makatarungan ngunit nagbibigay sa ilang mga tao ng ispesyal na pagtrato nang mahigit sa iba
    Hindi Direktang Diskriminasyon
  • Mga Uri ng Diskriminasyon
    Kababaihan, Kalalakihan, LGBTQIA, Lahi, Kapansanan, Relihiyon
  • Ang Pride Month ay nakaugat sa Stonewall Riots sa Estados Unidos, na nangyari noong ika-28 ng Hunyo, 1969
  • Marahil ginagawang paksang biro ang pagtawag ng ‘House husband’. Marahil Biro ito sa iba subalit hindi natin alam kung ano ang nararamdaman ng mga padre de pamilya kapag natawag silang ganito
    Diskriminasyon sa Kalalakihan
  • Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nanatiling mas mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa paglaganap ng diskriminasyon
    Diskriminasyon sa Kababaihan
  • Isang halimbawa pa ng pagpapakita ng diskriminasyon sa kababaihan ay ang sexual harassment. Ang limitado at hindi pantay na pakikilahok ng mga kababaihan sa gawaing pangekonomiya ay may direktang epekto sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa
    Diskriminasyon sa Kababaihan
  • Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for International Development (USAID) na may titulong Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report, ang mga LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyo
    Diskriminasyon sa LGBTQIA
  • Ang “foot binding” ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga batang babae ay pinapaliit hanggang satatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal.

    Karahasan sa Kababaihan
  • Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anomang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
    Karahasan sa Kababihan
  • LGBT rights are Human Rights” Ito ang mga katagang winika ni dating UN Secretary Gen Ban Ki
  • Nasa 29 na eksperto sa oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan (sexual orientation at gender identity) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga Yogyakarta Principle
  • Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
    Prinsipyo 1: Ang Karapatan sa Unibersal na Pagtatamasa ng mga Karapatang Pantao
  • Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao
    Prinsipyo 2: Ang mga Karapatan sa Pagkakapantay-Pantay at Kalayaan sa Diskriminasyon
  • Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa “consensual sexual activity” (gawaing seksuwal na may pahintulot ng kapwa) ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.
    Prinsipyo 4: Ang Karapatan sa Buhay
  • Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong naguugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan.
    Prinsipyo 16: Ang Karapatan sa Edukasyon
  • Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko; kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kanyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyopubliko at trabaho sa mga pampublikong ahensiya; kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar nang walang diskriminasyong sanhi ng oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.
    Prinsipyo 25: Ang Karapatang Lumahok sa Buhay-Pampubliko
  • CEDAW
    Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
  • What is CEDAW also know as?
    International Bill for Women, The Women's Convention, and United Nations Treaty for the Rights of Women
  • Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya
    Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
  • Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979 sa panahong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
  • Anti-Violence against Women and their Children
    RA 9262
  • Isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
    RA 9262 or Anti-Violence Against Women and their Children
  • National Consciousness Day for the Elimination of VAWC
    RA 10398
  • sumusuporta sa layunin ng pamahalaan ng Pilipinas na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at mga batang babae sa pamamagitan ng pagsusulong ng kanilang pangako na tugunan ang lahat ng anyo ng karahasan batay sa kasarian tulad ng nakasaad sa 1987 Constitution
    National Consciousness Day for the Elimination of VAWC
  • Magna Carta of Women
    RA 9710
  • isinabatas noong Agosto 14, 2009 na naglalayon na alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang CEDAW.
    RA 9710 Magna Carta of Women
  • Ang 18-Day Campaign upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan (VAW) ay sumusuporta sa layunin ng pamahalaan ng Pilipinas na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at mga batang babae sa pamamagitan ng pagsusulong ng kanilang pangako na tugunan ang lahat ng anyo ng karahasan batay sa kasarian tulad ng nakasaad sa 1987 Constitution.
    RA 10389 National Consciousness Day for Elimination of the VAWC
  • a nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
    RA 9262 Anti-Violence against Women and Their Children
  • Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspektong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
    Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women