Nagkakaroon ng interes sa pagbabasa at maitatahi ng mambabasa ang mga makabuluhang koneksyon ng binabasa sa sarili, sa ibang teksto, sa lipunan, at sa mundo
Paggamit ng SURI questioning model
1. Sinasabi: Ano ang sinasabi ng teksto?
2. Ugnay: Paano mo ito maiuugnay sa iyong sarili o sa iba pang teksto?
3. Realidad: Ano ang realidad na sinasalamin nito sa ating lipunan? Bakit?
4. Ideya: Ano ang iyong nabuong ideya pagkatapos mabasa ang tekstong ito?
Pagbuo ng mga imahe
Mahalaga ito sa isipan habang nagbabasa upang maging kongkreto at mailarawan nila ang kanilang binabasa na unang hakbang sa pag-unawa
Pagtatanong
Bakas sa isang mahusay na mambabasa ang kasanayan sa pagsasagot at pagbuo ng mga makabuluhang tanong at maaari itong buuin bago magbasa, habang nagbabasa, at pagkatapos magbasa
Paghihinuha
Gamit ang iskema at mga nabasa sa paghahanap ng kahulugan, konklusyon, prediksyon, at mga interpretasyon upang mapalalim ang pag-unawa sa kuwento
Pagtukoy ng mahahalagang ideya at tema
Maaaring ituro ang paghihimay ng mga mahahalagang impormasyon at bahagi sa teksto mula sa hindi gaanong mahalaga at mga sumusuportang detalye lamang
Pagbubuo ng sintesis
Dapat nating gabayan ang mga mag-aaral sa _________________ upang kanilang maaangkin ang sarili nilang pag-unawa at kahulugan sa binabasa
Paggamit ng fix-up strategies
Sa pagtuturo ng pagbabasa, palagi nating isipin na may kanya-kanyang lebel na ng pag-unawa ang mga mag-aaral
7 Keys to Comprehension ni Susan Zimmermann at Chryse Hutchins