Piling larang

Cards (21)

  • Resume

    Dokumentong naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang taong nagnanais ng isang posisyon o pumasa sa partikular na pamantayang itinakda ng isang institusyon
  • Curriculum Vitae (CV)
    Dokumentong naglalaman ng komprehensibong impormasyon tungkol sa isang indibidwal, tulad ng mga personal na impormasyon, antas ng edukasyon at mga akademikong karangalan, mga naisulat na pananaliksik, mga aklat o artikulong nailimbag, mga parangal, mga organisasyong kinabibilangan at ang posisyon sa mga ito kung mayroon man, at marami pang iba
  • Katangian at gamit na parehong makikita sa CV at resume
    • Ginagamit o ipinapasa sa aplikasyon sa unibersidad, trabaho, o kompanyang ninanais pasukan
    • Naglalaman ng impormasyon sa buhay ng isang indibidwal na magpapatibay sa kaniyang pagiging kuwalipikado sa inaaplayan
    • Nagiging batayan ng katanungan para sa mga interbyu o pakikipanayam
    • Naglalaman lamang ng mga impormasyong may kaugnayan o maaaring hingin sa inaaplayan
  • Resume
    Dokumentong maikli at direktang naglalahad ng impormasyon tungkol sa taong pinatutungkulan nito
  • Resume
    • Maikli lamang, karaniwang nasa isa hanggang dalawang pahina lamang
    • Binibigyang-pansin ang impormasyong may kaugnayan sa posisyong bakante o inaaplayan
  • Mahahalagang impormasyon na nilalaman ng resume
    • Buong pangalan
    • Trabaho o posisyong inaaplayan
    • Numero na kokontakin at email address
    • Mga karanasan sa trabaho (kung mayroon man)
    • Antas ng edukasyong natapos
    • Mga kakayahang may kaugnayan sa posisyong inaaplayan
    • Wikang ginagamit at mga kasanayan
    • Listahan ng mga sertipikasyon ng mga dinaluhang palihan o seminar
    • Iba pang interes o natatanging kakayahan
  • Chronological resume
    Naglalaman ng impormasyon tungkol sa mga dating trabahong pinasukan o naranasan sa pamamagitan ng kronolohikal na pagkakasunod-sunod, kung saan ang nasa unahan ay ang pinakabago o pinakahuling posisyon o trabaho
  • Functional resume
    Mas binibigyang-pokus ang paglalahad ng kasanayan, kakayahan, at karanasan kaysa sa impormasyon uko sa dating pinapasukang trabaho o chronological resume
  • Combination resume
    Magandang gamitin kung ang nais bigyang-pansin o pokus ay ang kakayahan ng isang aplikante kaysa sa kaniyang mga karanasan, upang ipakita sa tagapag-empleyo ang mga kasanayan, kuwalipikasyon, at karanasang may kaugnayan sa inaaplayang trabaho, habang inilalahad pa rin ang kasaysayan ng mga pinasukang trabaho
  • Curriculum Vitae (CV)
    Nagmula sa salitang Latin na nangangahulugang "kurso ng iyong buhay", kaiba sa resume na maikli lamang, ang CV ay mahaba sapagkat inaasahang ito ay kompleto
  • Mahahalagang impormasyon na dapat lamanin ng CV
    • Buong pangalan
    • Personal na numero at email address
    • Propesyonal na titulo, buod ng resume, o layunin ng resume
    • Mga naisagawang pananaliksik
    • Antas ng edukasyon o natapos sa pag-aaral
    • Mga nailimbag o nailathalang artikulo o aklat
    • Mahahalagang karanasan sa pagkatuto o pagtuturo
    • Mga karanasan sa trabaho
    • Mga kumperensiyang dinaluhan at kursong kinuha o natapos
    • Mga kasanayan at kakayahan
    • Mga nakamit na karangalan o tagumpay
    • Mga sertipiko
    • Mga kasanayan teknikal at wikan
    • Mga propesyonal na lisensiya, sertipikasyon at organisasyong kinabibilangan
  • Pagkakaiba ng Resume at Curriculum Vitae (CV)
    • Haba
    • Tuon
    • Gamit
    • Pormat
    • Nilalaman
  • Mga hakbang sa pagsulat ng resume
    1. Itala ang iyong mga personal na impormasyon at yaong may kaugnayan sa trabahong aaplayan
    2. Isulat ang iyong resume ayon sa angkop na pagkakasunod-sunod ng impormasyon
    3. Buod ng Kuwalipikasyon
    4. Kasaysayan sa Trabaho
  • Curriculum Vitae (CV)
    Ginagamit sa mga propesyonal na larangan, kinakailangang mahusay at organisado ang pagsulat nito upang makabuo ng magandang impresyon sa aplikante
  • Pagsulat ng Curriculum Vitae
    1. Siguraduhing angkop gamitin ang CV sa inaaplayan
    2. Pumili at gumamit ng pinakamainam na pormat
    3. Gumamit ng mga font style na pormal at madaling basahin
    4. Panatilihing iisa lamang ang layout o pormat
    5. Huwag lagyan o gamitan ng mga disenyo
    6. Gumamit o maglagay ng propesyonal na larawan
    7. Iwasang maglagay ng mga hindi kinakailangang impormasyon
    8. Ilagay ang mga impormasyong maaaring kontakin
    9. Itala ang mga trabahong naranasan at mga nakamit na tagumpay o parangal
    10. Tiyaking wasto ang impormasyong ilalagay tungkol sa edukasyon at mga nakamit na tagumpay o karangalan
    11. Isama ang mga kasanayang maiuugnay sa trabahong ninanais
    12. Isulat sa isang maayos at organisadong template
    13. Siguraduhing may kalakip na liham-aplikasyon
  • Ang curriculum vitae ay ginagamit sa mga propesyonal na larang kaya naman kinakailangang mahusay itong maisulat
  • Inaasahan ding magiging organisado ang impormasyong inilalahad sa CV
  • Sa pamamagitan ng isang maayos at angkop na CV, maaaring mabuo ang magandang impresyon kaugnay sa isang aplikante
  • Kinakailangan itong mag-anyong pormal at propesyonal
  • Peraturan Menteri dalam Negeri No. 38 tahun 2017 menyebutkan bahwa pendaftaran SIMB dilakukan secara online melalui website yang disediakan oleh Direktorat Jenderal Gedung dan Ruas Lingkungan.
  • Direktur atau direksi perusahaan harus memiliki kualifikasi akademik di bidang arsitektura, teknik sipil, ilmu konstruksi, ilmu lingkungan, ilmu ekonomi, manajemen, hukum, kewarganegaraan, sosial, politik, agama, dan budaya.