Kalikasan

Cards (12)

  • Mula sa Genesis, kabanata 1, talata 27-31, nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kaniyang sariling larawan bilang lalaki o babae. Binasbasan sila ng Diyos at binigyan ng tagubilin na magparami. Kaakibat ng pagbabasbas na ito ay ang utos na punuin ang daigdig at magkaroon ng kapangyarihan dito lalo na sa lahat ng Kaniyang nilalang.
  • Ito ay ang ginawang pagtatapon ng basura kung saan-saang lugar na lamang at sa hindi sa tamang lalagyan.
    Maling Pagtatapon ng Basura
  • Ito ay ang walang tigil na pagputol ng mga puno at hindi pagpapalit ng bagong halaman sa mga naputol na puno na nagdudulot ng mga pagbaha kapag madalas ang pag-ulan
    Illegal na Pagputol ng mga puno
  • Ito ay ang malawakang polusyon na siyang nagpabago sa kondisyon ng hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao upang mabuhay. Ang polusyon ay karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman tulad ng respiratory diseases, sakit sa digestive tract, sakit sa balat, at marami pang iba

    Polusyon sa hangin, tubig, at lupa
  • Ito ay ang pagiging threatened, endangered at extinct ng maraming uri ng hayop at halaman dulot ng pagkawala ng kanilang habitat o tirahan sa kagubatan, gayundin ang pagkuha sa kanila para sa ilegal na kalakalan
    Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan
  • Ito ay ang hindi matigil na cyanide fishing, dynamite fishing, at sistemang muro-ami na pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang natural habitat o tirahan.
    Malabis at Mapanirang Pangingisda
  • Pamamaraan ng pangingisda kung saan ang nakapaligid na lambat na may pabigat na bato ay paulit-ulit at marahas na ibinababa sa mga coral reef upang palabasin ang mga isda sa kanilang kanlungan, at karaniwang binabayaran ang mga kabataan para magtrabaho
    Muro- Ami
  • may mga lupang sakahan na hindi na tinatamnan dahil ginawa na nilang subdivision, golf courses, mga hotel, expressways at iba pa), ilegal na pagmimina, at quarrying. Mali at patagong pagkuha ng yamang mineral sa pamamagitan ng pagpapasabog ng mga bundok at paghuhukay sa mga dalampasigan.
    Pag-convert ng mga lupang sakahan
  • Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakakaapekto sa panahon at nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag na
    Climate Change
  • Ang patuloy naman na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami ng tinatawag na greenhouse gases lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera ay tinatawag na
    Global Warming
  • tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Ito rin ay tumutukoy sa mga pamamaraan sa pagsubok na magkaroon ng higit na kita hangga’t maaari na hindi alintana kung anuman ang maging epekto nito sa ibang mga tao o lugar
    Komersyalismo
  • ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan na maisasalarawan ng pagtatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at condominium units.
    Urbanisasyon