Pagmamahal sa bayan 5

Cards (18)

  • Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang ‘pater’ na ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan.
  • Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon. Iba ito sa patriyotismo dahil isinaalang-alang nito ang kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba ng wika, kultura at relihiyon na kung saan tuwiran nating binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.
  • Bawat tao ay obligasyon sa Diyos ang paggalang sa buhay dahil ang buhay ay galing sa Kanya kaya’t walang sinoman ang maaaring kumuha ng sariling buhay o buhay ng iba maliban sa Kanya.
    Pagpapahalaga sa buhay
  • Kaugnay ng prinsipyo ng katamaan, katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtian at mabuting paniniwala.
    Katotohanan
  • Maipapakita ang malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong na walng inaasahang kapalit.
    Pagmamahal sa pagmamalasakit sa kapwa
  • Mahalaga ang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos na lahat ay makakaya at possible
    Pananampalataya
  • Mahalaga ang paggalang sa mga pamayanan dahil tumutulong ito sa mga tao na makibagay sa ibang mga tao.
    Paggalang
  • Ang pagpapanatili ng kung ano ang tama sa paraang walang kinikilingan. May paggalang sa karapatan ng kapwa mamamayan
    Katarungan
  • Pagkakaroon ng katahimikan o walang kaguluhan at kapanatagan
    Kapayapaan
  • Pagiging organisado at disiplinado sa lahat ng pagkakataon
    Kaayusan
  • Pamilya ang pangunahing institusyon ng lipunan. Dito unang tinuturuan ang mga bata tungkol sa kultura at tradisyon ng bansa
    Pagkalinga sa pamilya at salinglahi
  • Ginagamit ang talent at kahusayan sa anumang pamamaraan upang makatulong sa ikabubuti ng mas nakararami. Ginagawa ang gawain nang matiyaga at may pagmamahal.
    Kasipagan
  • Lahat ng tao ay may responsibilidad na alagaan ang kalikasan at lahat ng nilikha ng Diyos sa pagkasira nito
    Pangangalaga sa Kalikasan at Kapaligiran
  • Ang pakikipagtulungan ng bawat tao na mapag-isa ang ninanais at saloobin para sa iisa a maayos na layunin
    Pagkakaisa
  • Isa sa mga ipinagmamalaking ugali ng mga Pilipino ay ang tinatawag na “bayanihan”. Hindi hinihintay kung ano ang magagawa ng bayan sa tao sa halip ginagawa ng tao ang magagawa para sa bayan.

    Kabayanihan
  • Ang pagiging malaya na gawin ang mabuti, kumilos ayon sa batas na ipinapatupad ng bansa at paggawa ng tungkulin ng isang taong may dignidad.
    Kalayaan
  • Ang pagkilala, paghikayat at pakikibahagi sapagsasabuhay sa mga batas ng lipunan. Isa ito sa mga susi sa pag-unlad ng lipunan.
    Pagsunod sa Batas
  • Ang pagtutulungan ng bawat isa at paghikayat sa iba upang makilahok sa pagtutulongan ay para sa ikabubuti hindi sa sarili at pamilya kundi para sa lahat.
    Pagsusulong ng kabutihang panlahat