FIL

Subdecks (1)

Cards (89)

  • Pagbasa
    Pakikipagtalastasan ng awtor sa kanyang mga mambabasa
  • Sangkap ng pagbasa
    • Aklat o anumang babasahin
    • Awtor na sumusulat ng mga akda
    • Mambabasa
  • Pagbasa
    • Isang proseso at isa ring kasanayan
    • Proseso ng pagtuklas ng nais ipakahulugan ng awtor sa kanyang mga akda
    • Kasanayan sa pag-unawa sa pamamagitan ng pagsasalita o wikang ginagamit dito
  • Pagbasa
    • Nagkakaroon ng kabuluhan kapag nabatid ang tono, layunin, at punto de vista ng akdang binabasa
  • Apat na hakbang na proseso ng pagbasa ayon kay William S. Gray
    • Persepsiyon sa mga salita o yunit ng mga salitang ginamit sa akda
    • Pag-unawa sa mga salita ayon sa kontektsong kahulugan ng mga ito
    • Reaksiyon ng mambabasa sa akda upang makapagbigay siya ng kanyang saloobin, pagsang-ayon, o di pagsang-ayon sa sinasabi ng akda
    • Integrasyon ng mambabasa upang magamit ang mga natutuhang bagong kaalaman sa kaning pang-araw-araw na buhay
  • Katuturan at Kahalagahan ng Pagbasa at Pagbabasa
    • Ang masining, maayos at tamang pagbabasa ay nagiging kapaki-pakinabang sa mga bumbasa at mga nakikinig
    • Nagpapalawak ng kaalaman at nagpapalalim ng pag-unawa
    • Nagpapaunlad sa personalidad ng tao
  • Katuturan at Kahalagahan ng Pagbasa ayon sa ilang mga Eksperto
    • Leo James English- Nagbibigay ng kahulugan sa mga nakasulat o nakalimbag na mga salita
    • Kenneth Goodman- Isang prosesong siklikal buhat sa texto, sariling panghuhula, pagpapatunay, pagtataya, pagrerebisa, pagbibigay ng iba pang kahulugan o prediksiyon
    • James Dee Valentine- Ang pagbasa ang pinakapagkain ng ating utak at sa maraming pagkakataon, napatunayan marami sa mga nagtatagumpay na tao ang mahilig magbasa
    • James Coady- Ang dating kaalaman ng tagabasa ay kailangang maiugnay niya sa kanyang binabasang konsepto o kaisipan at kasanayan sa pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin
  • Mga Layunin ng Pagbasa
    • Pangkasiyahan- Nagbabasa tayo upang maaliw
    • Pangkaalaman- Nagbabasa tayo upang tumuklas ng mga bagong kaalaman at maiimbak sa ating isip
    • Pangmoral- Mabatid ang iba pang mga karanasan na kapupulutan ng aral
    • Pampaglakbay-diwa- Napaglalakbay natin ang ating diwa sa mga lugar na pinapangarap na marating o hindi kayang marating ng ating panaginip
    • Pangkasaysayan- Napag-aaralan natin ang ibang kultura ng lahi upang mabatid ang pagkakatulad at ang pagkakaiba nito sa kulturang ating kinagisnan
  • Ibang Patern o Teknik ng Pagbasa ayon kay Emett Albert Betts
    • Iskaning - makuha ang isang tiyak na impormasyon na hindi kinakailangan ang pag-unawa
    • Iskiming - pahapyaw na pagbasa na ginagamitan ng mabilisang pagkilos o pagbasa ng mga mata sa teksto nang di inuunawa ang binabasa, layunin nito na makuha ang pangkalahatang impormasyon
    • Kaswal - layunin ay magpalipas oras
    • Komprehensibo - kinakailangan ang maingat at masinsinang pagbabasa
    • Kritikal - nasusukat ang kakayahan sa paglikha ng bagong kaisipan, pagtuklas ng solusyon sa isang problema
    • Muling -Basa- ang pagbasa nang paulit-ulit hanggang maunawaan ng lubos ang binabasa
    • Basang-tala- teknik ng pagbasa na sinasabayn ng pagtatala o paglilista ng importanteng impormasyon
  • Apat na uri ng Pagbasa ayon kay Mildred Dawson at Henry Bamman
    • malakas at tahimik na pagbasa (oral and silent)
    • mapanuring pagbasa (critical reading)
    • panlibang na pagbasa (recreational)
    • paaral na pagbasa (work-type reading)
  • Ang pagbasa ay karunungan. Ang malalim na pagkatuto sa masining na pagbasa ay mabisang instrument sa pangangalap at pagtuklas ng ib't ibang uri ng karunungan. Anomang mabuting aklat-sanggunian ay baul ng bagong kaalaman.
  • Mga Pananaw sa Proseso ng Pagbasa
    • Teoryang Top-Down
    • Teoryang Bottom-up
    • Teoryang Iskema
    • Teoryang Interaktiv
  • Katangian ng Proseso ng Masining na Pagbasa
    • Isang komplikadong proseso
    • May dalawang klaseng proseso
    • Napapaloob sa malawak na paglalarawan
    • Isang masiglang proseso
    • Gumagamit ng sistemang panglinggwistika
    • Nakasalalay sa mga nakaraang kaalaman
  • Ayon kay Carl Woodward, ang aklat ay isang lunsaran para maabot ang makabagong kaalaman at karunungang bumabalot sa kahiwagaan ng sangkatauhan simula sa mga nakalipas na panahon hanggang sa kasalukuyang panahon.
  • Bagama't sa paaralan ay may nakatakdang tekstong gagamitin sa pagbabasa ng takdang-aralin ay binibigyan pa rin ng kalayaan ang mga mag-aaral sa pananaliksik sa makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng aralin sa iba't ibang disiplina.
  • Anomang pamamaraang gagamitin o aklat na babasahin, ito ay dapat makatulong sa mag-aaral ayon sa mga sumusunod:
    • Naayon sa layunin
    • Naaayon sa kanyang interes
    • Naaayon sa mga materyales na mayroon
    • Naaayon sa kanyang kakayahang maunawaan ang binabasa
  • Ang napapanahong karanasan, kaalaman, at karunugan sa ating kapaligiran ay mabibigay na ng kahanga-hangang makabagong teknolohiya tulad ng computer, e-mail, e-book, fax machine, internet, beeper, cellphone, text messaging, at makasayantipikong gamit ng calculator na naroon na sa loob ang memory, correct spelling, process, dictionary, at iba pa
  • Bagamat sa paaralan ay may nakatakdang tekstong gagamitin sa pagbabasa ng takdang-aralin, binibigyan pa rin ng kalayaan ang mga mag-aaral sa pananaliksik sa makabagong teknolohiya sa pag-aaral ng aralin sa iba't ibang disiplina
  • Sa ibang paaralan inirerekomenda ang mga babasahin tulad ng Development Reading, Remedial Reading, Recreational Reading at Functional Reading subalit pinaiiral pa rin ang gawaing pananaliksik upang tumuklas ng makabagong Teknik at Mekanik sa masining na pagbabasa
  • Anomang pamamaraang gagamitin o aklat na babasahin
    Ito ay dapat makatulong sa mag-aaral ayon sa mga sumusunod: Naayon sa layunin, Naaayon sa kanyang interes, Naaayon sa mga materyales na mayroon, Naaayon sa kanyang kakayahang maunawaan ang binabasa
  • 5 Gabay o Dimensyon sa Masining na Pagbasa
    • Pagbibigay ng pag-unawang literal sa mga tekstong binasa
    • Ganap na pag-unawang Interpretatibo o sa kaisipang nais ipadama ng may akda
    • Mapanuri o Kritikal na Pag-unawa o Pagkilatis sa kahalagahan ng kaisipan
    • Malikhaing Pag-unawa o Pagpapahalaga
    • Paglikha o pagsulat ng sariling kwento
  • Karaniwang Suliranin sa Pagbabasa
    • Malabong paningin
    • Kakulangan sa kaalamang panglingguwistika
    • Kakulangan sa kaalaman sa pagsusuri at pag-unawa sa bagong salita o malalim na salita na ginamit sa loob ng parirala, sugnay, pangungusap, talata, kuwento, at sanaysay
    • Kakulangan sa kaalaman, Impormasyon, at karanasang may kaugnayan sa impluwensyang pampisikal, pangkapaligiran, panlipunan, at kaalamang pangwika
  • Karaniwang Suliranin sa Pagbabasa ay maaaring matugunan sa pamamagitan ng pagkilala sa sariling kahinaan at pagbibigay ng angkop na solusyon
  • Mga hakbang sa pagsusuri ng tula gamit ang patnubay sa masining na pagbasa
    • Pagkuha ng pangunahing diwa
    • Pagkilatis o pagdama sa katangian ng tauhan
    • Paghahambing at pagbibigay ng pagkaiba sa sarili at sa tauhan ng tula
    • Pag-uugnay ng sariling karanasa sa totoong buhay
    • Paglikha o pagsulat ng sariling tula
  • Ang sinabi ng isang tao ay mabilis na nawawala, kaya hindi gaanong nabibigyang-pansin ang gramatika sapagkat walang tala o dokumentong magpapatunay sa kanyang sinabi
  • Kapag ang tao ay nagsusulat, isang pampublikong datos ang nalilikha na nagpapatunay ng ating kaalaman, opinyon, at kahusayan sa paggamit ng wika
  • Kailangan gawin nang tiyak, may puwersa, at may katapatan ang pagsusulat
  • Ang pagsulat ng iba't ibang uri ng sulatin tulad ng sanaysay, panahunang papel, tesis, disertasyon, at iba pa ay nagpapamalas ng talino ng isang manunulat sapagkat nasusuri at natatasa ng tao ang kanyang isinusulat
  • Hindi gawaing biro ang pagsulat. Nangangailangan ito ng kaalamang teknikal, pamamaraan, o pagkamalikhain
  • Ang kaalamang teknikal ay kailangan upang maayos at maiwasto ang binubuong talataan ng mga detalyeng magpapaliwanag sa paksang tatalakayin
  • Ang pagsulat ay iinog sa kung gaano kabisa at kasensitibong makabuo ng mga pahayag ang isang mag-aaral upang ang makababasa nito'y magaganyak na mag- isip, kumilos, at magalak
  • Ang wika ay isa lamang sa maraming midyum ng komunikasyon sa pagpapahayag
  • Ang pagsulat ay isang prosesong pangkaisipan na nangangailangan ng maingat na pagpili at pag-ayos ng kaisipan at karanasang naaayon sa layunin ng nagpapahayag
  • Mga Dimensyon ng Pagsulat
    • Masining at estetikong hikayat
    • Expressive purpose
    • Functional Purpose
  • Ang mga kumbensiyong ginagamit sa ganitong uri ng pagsulat ay mga panimulang gawaing magagamit ng guro sa paglinang ng mga kasanayan hinggil sa paglalahad ng mga detalye, pakiusap, pagsusumamo, at iba pa
  • Mga Katuturan ng Pagsulat
    • Isang pansariling pagtuklas ng kakayahan
    • Paraan ng intellectual inquiry
    • Paraan ng paghuhunos ng nararamdamang saloobin o damdamin
    • Nagpapaalab sa puso't isip
    • Malikhaing gawain na pinaghuhusay sa papel
    • Paraan ng pakikipagkomunikasyon sa kapwa
    • Isang proseso ng pagbibigay sustansiya sa mga bagay na para sa iba ay walang kabuluhan
    • Isang discovery process kung saan ang isang malayang hakbang tungo sa katapusan
  • Ang pagsulat ay isang sistema para sa isang komunikasyong interpersonal na gumagamit ng simbolo at isinusulat / inuukit sa isang makinis na bagay tulad ng papel, tela, o di kaya'y isang malapad at makapal na tipak ng bato
  • Hindi lahat ng tao ay nakasusulat kahit na nga ang sinumang normal na tao ay nakapagsasalita nang walang sistematiko o pormal na pagtuturo
  • Bilang mag-aaral, dapat na maging pamilyar ka sa kalikasan ng pagsulat; bakit nagsusulat ang mga tao; ano-ano ang kanilang isinusulat at bakit silá nagsusulat; ano-ano ang mga kailangan upang makasulat nang mahusay
  • Ang pagsulat ay isang pagpapatuloy (continuum) ng mga gawain sa pagitan ng mekanikal o pormal na aspekto ng pagsulat sa isang banda at ng higit na kompleks na gawain ng paglikha sa kabilang dulo