ikatlong markahan

Cards (69)

  • Mitolohiya
    Kwento na tumatalakay sa kultura, sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao
  • Elemento ng Mitolohiya
    • Tagpuan
    • Tauhan
    • Banghay
    • Tema
  • Tagpuan
    May kaugnay ang tagpuan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon
  • Tauhan
    Mga diyos o diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan
  • Banghay
    Maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
  • Tema
    Magpaliwanag sa natural na pangyayari
  • Ang mitolohiya na nagmula sa kontinente ng Africa ay may malaking koneksiyon sa mga kulturang Islam, Arab, Mediterano, at Kristiyano kung saan pinaniniwalaang ang malakihang migrasyon ng iba't ibang lahi ay nakapag-ambag sa paglago ng kultura ng Africa
  • Ang mitolohiya ng Africa ay nakabatay sa mga halo-halong paniniwala at kultura ng iba't ibang tribo na naninirahan sa bawat dako ng kontinente
  • Napakahalaga rin ng mitolohiya sa kadahilanang ginawa ang mga ito upang magbigay aliw sa bawat mambabasa o mga tagapakinig
  • Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin
  • Mga Katangiang Dapat taglayin ng isang tagapagsalin
    • Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
    • Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
    • Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
    • Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag
    • Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin
  • Gabay sa Pagsasaling-wika
    1. Basahin at suring mabuti ang pagkakasalin
    2. Rebisahin ang salin upang ito'y maging totoo sa diwa ng orihinal
    3. Ayusin ang bahaging hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan
    4. Bigyang-pansin ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa pagsasalin
  • Tauhan ng Maaring Lumipad ang tao: Toby, Sarah, Panginoon at Tafabantay ng sakahan
  • Toby: matandang lalaking mataas ang tindig
  • Sarah: Batang babae na dating may pakpak
  • Panginoon: pinagsisilbihan ni Sarah at iba
  • Panginoon: tinuring kumpol ng putik
  • Sinasabi ni Toby upang makalipad si Sarah:
    "Kum..Yali, Kumbuba Tambe"
  • Sinasabi ni Toby upang makalipad ang iba:
    "Buba...Yali...Buba...Tambe"
  • Ulilang Kaluluwa: humingi ng tulong ni Toby
  • Sanaysay: isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin, at damdamin na kapupulutan ng aral, at aliw ng mambabasa.
  • "Pagsasalaysay ng isang sanay” ayon kay Alejandro G. Abadilla
  • si Michel de Montaigne ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay” sa Pransiya noong 1850
  • Ang sanaysay ay kilala bilang essai sa wikang Pranses (isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng pagsulat)
  • BAHAGI NG SANAYSAY
    • PANIMULA
    • GITNA
    • WAKAS
  • Panimula: pinakamahalagang bahagi ng sanaysay
  • Panimula: Dapat nakapupukaw ng atensyon
  • Gitna: makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay
  • Wakas: nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay
  • ELEMENTO NG SANAYSAY
    • Tema at Nilalaman
    • Anyo at Istruktura
    • Kaisipan
    • Wika at Istilo
    • 5.Larawan ng Buhay
    • Damdamin
    • Himig
  • Tema at Nilalaman - tumutukoy sa kung anuman ang nilalaman ng sanaysay ay
    itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi
    • Anyo at Istruktura maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari
  • Kaisipan - mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema
  • Wika at Istilo - mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag
  • Larawan ng Buhay - masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang
    may akda
  • Damdamin - naihahayag ang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa
    paraang may kalawakan at kaganapan
  • Himig - naipapahiwatig ang kulay o kalikasan ng damdamin
  • DALAWANG URI NG SANAYSAY
    • PORMAL
    • DI-PORMAL
  • PORMAL:
    • nagbibigay ng impormasyon nagbibigay ng mahahalagang kaisipan, o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos
    • maingat na pinipili ang pananalita ang tono ay mapitagan
    • obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda
  • DI-PORMAL:
    • nagsisilbing aliwan/libangan nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw, at personal.
    • ang himig ng pananalita ay parang nakikipagusap lamang. pakikipagkaibigan ang tono subhektibo sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda