Ito ay tumutukoy sa ganap na kapangyarihan ng Estado na pamahalaan ang kanyang nasasakupan kabilanh ang mga mamamayan at likas na yaman at ari-arian ng bansa ng hindi pinakikialam ng ibang bansa.
Soberanyang Panloob
Tumutukoy sa kapangyarihan ng Estadong magpasunod sa lahat ng teritoryang nasasakupan nito.
Soberanyang Panlabas
Tumutukoy sa kalayaan ng estadong itaguyod at sundin ang gawain nito na hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
Mga Karapatan ng isang Estadong may Soberanya
Karapatang magsarili
Karapatang mamahala sa nasasakupan
Karapatang magkaroon ng mga ari-arian
Karapatan sa pantay na pagkilala
Karapatang makipag-ugnayan
Karapatang ipagtanggol ang kalayaan
Hukbong Panlupa o Pangkatihan (Philippine Army o PA)
→ Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa anumang paglusob at labanan. Tumutulong din sila sa mga gawaing medikal, edukasyon at pangkabuhayan.
Hukbong Pamhimpapawid (Philippine Airforce o PA)
→ Binabantayan nito ang himpapawid na sakop ng Pilipinas. Gamit ang kanilang radar tinitiyak nito ang mga sasakyang pamhimpapawid ba pumasok sa bansa.
Hukbong Pandagat (Philippine Navy o PN)
→ Nagbabantay sa mga bahaging tubig ng bansa. Binabantayan ang mga baybayin nito na ligtas sa anumang panganib. Sinusunod nito ang batas at patalaran ukol sa Doktrinang Pangkapuluan at Batas sa Dagat.