Noong panahon ng mga Kastila ang edukasyon sa Pilipinas ay isang pribilehiyo lamang at hindi maituturing na karapatan
Makakapag-aral ka lamang kung maayos ang estado ng pamumuhay o mula sa pamilya ng mga mayayaman o may kaya
Dahil sa patriyarkal na kaisipan, tanging kalalakihan lamang ang pinahihintulutang mag-aral sa kolehiyo dahil paniniwalang ang mga babae ay nakakulong lamang sa apat na sulok ng bahay na noon ay walang boses, walang kapangyarihan sa lipunan at tagapagsilbi lamang sa kanilang mga maybahay
Noong ika-12 ng Disyembre 1888, isang pangkat ng kababaihan ang iginiit sa pamahalaang Kastila ang kanilang hangaring makapag-aral
May dalawampung kababaihan ng Malolos na humiling na makapag-aral ng Espanyol
Si Teodoro Sandiko ang siyang sumulat ng liham para kay Gobernador Heneral Valeriano Weyler ukol sa pagnanais ng kababaihan ng malolos na makapag-aral ng Espanyol
Binigyang pahintulot ng Gobernador Heneral Weyler ang kahilingan ng kababaihan ng Malolos kaya nagsimula na silang nag-aral
Ang kanilang pag-aaral ay ginaganap tuwing gabi
Nang mabalitaan ito, sinulatan sila ni Jose Rizal ng liham noong Pebrero 1889 upang purihin ang kanilang pagpupursiging iangat ang mga kababaihan
Ang liham na iyon ay naglalaman ng pitong habilin, na para sa kaniya ay dapat magsilbing panata ng bawat Pilipina
Ipinanganak ang tao na pare-parehong hubad at walang tali. 'Di sila nilikha ng Diyos upang maalipin, 'di binigyan ng isip para magpabulag, at 'di biniyayaan ng katwiran upang maloko ng iba
Hindi pagmamataas ang hindi pagsamba sa kapwa-tao, ang pagpapaliwanag ng isip, at pagiging tuwid sa anumang bagay. Ang mapagmataas ay ang nagpapasamba, ang nambubulag sa iba, at ang ibig panaigin ang kaniyang gusto sa matuwid at tama
Pagnilayan ninyong maigi kung ano ang relihiyong itinuturo sa atin. Tingnan ninyong mabuti kung iyan ba talaga ang utos ng Diyos o ang pangaral ni Kristong panlunas sa hirap ng mahirap, pang-aliw sa dusa ng nagdurusa
Lahat ng tao ay may kalayaang matamasa ang buhay na ninanais nila at hindi yaman, karangyaan at kasarian ang magiging pamantayan dahil karapatan ng lahat ang na kilalanin ang kanilang mga karapatan
Ang kababaihan ay may boses at paninindigan din na marunong makipaglaban sa mga mang-aapi. Hindi lamang sila babaeng nakakulong sa apat na sulok ng bahay kundi kababaihang marunong makibaka para sa ipinagkait na Karapatan