Mga Katangian at Tuntunin sa Akademikong Pagsulat sa Filipino
Tono/Pormal - hindi kumbersasyonal o kaswal
Bokabularyo - tiyak, hindi pangkalahatan; naaayon sa paksa o larangan
Estilo - hindi idiomatiko,balbal o islang,jornalistiko, kolokyal - hindi mahahaba ang mga pangungusap, tiyak at malinaw ang mga pahayag - iniiwasan ang mga retorikal na mga tanong - iniiwasan ang mga salita o pahayag na may dalawang kahulugan (literal at pailalim o nakagong kahulugan
Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang pambansang wika, mas madaling maaaring maunawaan at maipahayag ng mga mamamayan ang kanilang saloobin, kultura, at kaugalian
Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay dumaan sa iba't ibang yugto ng pag-iral na papatunyan ng mga pagbabago ng pangalan nito mula sa Tagalog, Pilipino, hanggang Filipino.
Sa panahon ng mga Kastila, relihiyon ang ginagamit sa pamamahala at pananakop sa bansa. Hindi nila itinuro ang Espanyol maliban sa mga anak ng mga opisyal na Kastila at Filipino.
Itinuro ang Tagalog sa Department of Oriental Languages na ngayon ay tinawag na Department of Linguistics and Asian Languages ng Unibersidad ng Pilipinas.
Sa panahon ng Hapon, nagkaroon ng malawakang pagsasanay sa mga guro para ituro ang wikang ito alinsunod sa Executive Order No.10 ni dating Pangulong Jose P. Laurel.
Konstitusyon na pagtataguyod sa wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na wika sa bansa (Art.XIV,Sek.3) na pinangunahan ng Kalihim ng Edukasyon Jose E.Romero.
Ang pagtaas ng mga balihin at presyo ng gasolina, pati na rin ang pagkilos laban sa diktadura ng administrasyong Marcos ang nagbunsod sa Diliman Commune kung saan nagbarikada ang mga mag-aaral sa loob ng kampus noong 1971.
Naglabas ang CHED (Commission on Higher Education) ng Memo No. 59, s. 1996, ng pagpasok sa Bagong Kurikulum sa Pangkalahatang Edukasyon ng probisyon sa pagtuturo at paggamit ng Filipino bilang wilang panturo simula Ng 1997-1998, sa lahat ng kursong di-gardwado.
Pinagtibay ng pamahalaan ang RA No. 10157 o ang Kindergarten Education Act of 2012 kung saan isinasaad sa Sek. 5 na mula sa kindergarten hanggang Baitang 3 ay gagamiting wikang panturo ang mga pangunahing wika relihiyon at sa bansa kasama ang Filipino at Ingles.
Batay sa Batas Pambansa Blg.232 (Education Act of 1982) ang 2002 Basic Education Curriculum. Sinimulan itong ipapatupad Ng 2002-2003. Bilang asignatura at bilang wikang panturo ang tuon ng BCE sa Filipino.
Naging papular at itinaguyod ang Filipino sa akademya noong dekada '70, bunga ng mga rally, demostrasyon, sit-in, at walkout dala ng radikalismo ng panahon.
Sa mga kumperensiya, local man o internasyonal, sa Pilipinas ma ito o sa Amerika, pinahihintulutan ang paggamit ng Filipino at pagbasa ng mga papel-pananaliksik sa Filipino, lalo na kung mga Filipino ang tagapagtaguyod nito.