Quiz 3

Cards (17)

  • Kinikilatis sa teoryang ito ang pagpapahalagang pangkatauhan ng mga karakter na maaaring magpakita at magdala sa mambabasa sa mabuti o masamang landas
    Moralistiko
  • Binibigyang atensyon ng teoryang ito ang kaayusan, at estilo o paraang artistiko ng teksto dahil saklaw ng teoryang ito ang pisikal na katangian ng akda tulad ng nilalaman, kaanyuan o kayarian, at paraan ng pagkakasulat
    Pormalistiko
  • ipinaglalaban ng teoryang ito ang katotohanan kaysa kagandahan. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-politikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naaapi
    realismo
  • katangian ng teoryang ito ang pagiging makapangyarihan ng emosyon. bukod dito, nagpapakilala rin tio ng katwiran sa mailusyon ooptimistikong pananaw ukol sa buhay
    romantisismo
  • sa teoryang ito, malaya at responsable ang tao sa kanyang sarili at mga desisyon. nauuna ang 'eksistens' bago ang 'esensya'. binibigyang pansin din dito ang kilos at ang katwiran kaysa sa ibang kaisipan.
    eksistensyalismo
  • sa teoryang ito, nangangailangan ng masusing pag aaral sa kabuuan ng akda sapagkat binibigyang diin dito ang simbolong ginamit upang maipabatid ang mensahe ng akda
    arketaypal
  • ang teoryang ito ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nagyayari sa lipunan.
    sosyolohikal
  • sa teoryang ito makikita ang takbo o galaw ng isipan ng manunulat. mahihinuha sa kanyang akda ang antas ng kanyang pamumuhay, ang kanyang paninindigan, paniniwala at pagpapahalaga, gayundin ang mga ideya o kaisipang naglalaro sa kaniyang isipan at kamlayan
    sikolohikal
  • ang teoryang ito ay naglalayong magbahagi ng mga akdang patungkol sa mga kaugalan, paniniwala at tradisyon ng isang lugar. ipinakikita rin dito na ang bawat lipi ay natatangi
    kultural
  • ayon sa mga sosyologo, ang socil class o antas panlipunan ay pangkat ng mga tao na may pantay o magkatulad na katayuan pagdating sa antas ng kita, hanapbuhay, at edukasyon
    wasto o di wasto
    wasto
  • noong 2022, 18.1 na persyento o halos katumbas ng 19.99 na milyong pilipino ang itinuturing na mahirap mula sa datos na inilabas ng Philippine Statistic Agency
    wasto o di wasto
    di wasto
  • kanino ko nga ba ibubulong
    dalamhati ng uring ginagahasa ng lungkot
    dahil sa mga diyus-diyosang budhi ay baluktot
    ng bansang hinuthot angking kayamanan?
    ang bahaging ito ng tulang "kanino ko ibubulong?" ay binibigyang puna ang mga politiko at mga kapitalistong patuloy na nagkakamkam ng yaman
    wasto o di wasto
    wasto
  • sa unang kwarter ng taong 2023 mula sa survey ng social weather stations (SWS), 14 milyong pilipino ang naikukonsidera ang sarili na mahirap (Pinlac)

    wasto o di wasto

    wasto
  • sa inilabas na datos mula sa Philippine Institute for Decelopment Studies, kung ang isang pamilya na kumikita ng Php 21,914 hanggang Php 43,828 kada buwan mapabibilang sila sa middle class (Pena-Reyes, 2022)
    wasto o di wasto
    di wasto
    1. ang teoryang feminismo ay unang lumitaw noong 1974, na nagsusulong sa pantay na pagtingin sa babae at lalaki
    2. pinalulutang din dito ang kakkayahan at kalakasan ng babae
    a.parehong tama ang pahayag
    b. parehong mali ang pahayag
    c. tama ang unang pahayag habang mali ang pangalawa
    d. mali ang unang pahayag habang tama ang pangalawa
    a.parehong tama ang pahayag
    1. ang pangunahing kaisipan sa teoryang kasismo ay 'damdamin muna bago isip'
    2. taglay rin ng teoryang ito o pinakikita rito ang pag uuri o pagpanig ng estado sa lipunan
    a.parehong tama ang pahayag
    b. parehong mali ang pahayag
    c. tama ang unang pahayag habang mali ang pangalawa
    d. mali ang unang pahayag habang tama ang pangalawa

    d. mali ang unang pahayag habang tama ang pangalawa
    1. ang teoryang humanismo ay pananaw na hindi lang tao ang sentro ng mundo
    2. ang teoryang humanismo ay katulad din ng teoryang eksistensyalismo
    a.parehong tama ang pahayag
    b. parehong mali ang pahayag
    c. tama ang unang pahayag habang mali ang pangalawa
    d. mali ang unang pahayag habang tama ang pangalawa
    b. parehong mali ang pahayag