Reaksyong papel

Cards (26)

  • Reaksiyon
    Damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon o pagsalungat
  • Opinyon
    Sariling pahayag
  • Pananaw
    Paniniwala o pagkaunawa sa perspektibo ng tao sa mga bagay
  • Damdamin
    Emosyon, pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng pisikal
  • Brainstorm
    Pagbabaliktantak ng mga ideya
  • Tesis na pahayag
    Pangungusap na ginagamit upang maging gabay sa paggawa ng talata
  • Pangunahing ideya
    Pinakamahalagang ideya sa talata
  • Upang gumawa ng reaksiyong papel, kailangan mong pag-aralan nang maigi ang isang impormasyon at ibigay ang iyong sariling kaisipan at opinyon ukol dito
  • Bahagi ng reaksiyong papel
    • Introduksiyon
    • Katawan
    • Konklusyon
    • Pagsipi ng pinagmulan ng impormasyon
  • Paraan ng pagsulat ng reaksiyong papel
    • Brainstorming
    • Pagsulat ng Panimulang Pahayag
    • Rebisyon
    • Pinal na Pagsulat
  • Uri ng reaksiyon
    • Personal na pananaw
    • Nagbibigay ng Kahulugan Ukol sa Paksa
    • Pakikilahok o Pagsang-ayon
    • Masusing Pagsisiyasat
  • Gabay sa pagsulat ng reaksiyong papel
    • Siguraduhing maayos ang estruktura ng panimula na nagtatapos sa tesis na pahayag
    • Magkaroon ng malinaw na panimula
    • Isulat ang paksang pangungusap sa bawat talata
    • Bawat talata ay naglalaman ng mga katibayan
    • Magdagdag ng mga kawili-wiling pangungusap sa bawat talata para makabuo ng komprehensibong konklusyon
    • Iugnay ang bawat talata sa mga sinundang pahayag
    • Siguraduhing makikita ang katotohanan ng tesis ng pahayag kapag nabasa ang kabuoang sulatin
  • Datos
    Koleksyon ng mga elemento o mga kaalaman na ginagamit sa mga eksperimento, pagsusuri, pag-aaral ng isang bagay
  • Iskaning
    Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang pokus ay hanapin ang ispesipikong impormasyon na itinakda bago bumasa
  • Iskiming
    Mabilisang pagbasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto at kung ano ang pananaw at layunin ng manunulat
  • Pangangalap ng Datos hindi lamang sa pagbuo ng isang pananaliksik ginagamit, sapagkat ito ay maaaring gamitin din sa ibang anyo ng sulatin lalo at nangangailangan ito ng pagpapaliwanag, pagbibigay ng patunay at marami pang iba
  • Ang datos ang nagiging sustansiya ng isang tekstong impormatibo dahil sa diwa at bigat ng impormasyon na nakapaloob dito, kailangang ito ay inihahanay sa isang maayos na paraan
  • Paaral na Pagbasa
    Ginagawa sa pagkuha ng mahahalagang detalye, isinasagawa upang kabisaduhin ang aralin at ang pangunahing kaisipan ng teksto
  • Iskiming
    Madaliang pagbabasa na ang layunin ay alamin ang kahulugan ng kabuuang teksto, kung paano inorganisa ang mga ideya o kabuuang diskurso ng teksto
  • Komprehensibo
    Iniisa-isa ang bawat detalye at inuunawa ang kaisipan ng binabasa, masinsinang pagbabasa
  • Pamuling-basa
    Paulit-ulit na pagbasa ng mga klasikong akda, pagsasaulo ng mga impormasyon sa binasa
  • Kritikal
    Pagtingin sa kawastuhan at katotohanan ng tekstong binabasa upang maiangkop sa sarili o ito ay maisabuhay
  • Basing-Tala
    Itinatala ang mga nasusumpungang kaisipan o ideya upang madaling makita kung sakaling kailangang balikan
  • Mga tuntunin sa pagkuha, paggamit at pagsasaayos ng datos
    • Konsiderasyon sa pangalan at paggamit ng mga datos
    • Direktang Sipi
    • Paggamit ng Ellipsis (…)
    • Sinopsis
    • Presi
    • Hawig o Paraphrase
  • Ang paglinang ng mga materyales at sangguniang panturo na ginagamit sa iba't ibang sabjek ay nangangahulugan lamang ng pangangailangan sa pasasaling-wika o transleysyon ng mga teksto mula sa Ingles tungo sa Filipino
  • Malaki ang tungkulin ng pagsasaling-wika sa pagbuo ng pambansang kamalayan at sa pagsabay sa makabagong takbo ng buhay daigdig