Ang sumusunod ay mga linya mula sa mga patalastas. Hulaan kung anong pangalan ng kompanya o produkto ang sumusunod na taglines
Tekstong Nanghihikayat (PERSWEYSIVE)
Ang makapukaw ay sapat
Tekstong persweysib
Nakikilala ayon sa kahulugan, Katangian, layunin, paraan, elemento, at estratehiya
Naipahahayag ang sariling kalsipan
Nagagamit ang mga hakbang sa pagsulat
Naisusulat ang iskrip ng isang puppet show na naglalaman ng tekstong nanghihikayat
Panghihikayat
Tumutukoy sa paghimok tungo sa pagtanggap ng isang pananaw na nakita, narinig, at nabasa. Nakaïimpluwensiya sa kaisipan, saloobin, damdamin, paniniwala, motibasyon, naisin, at pag-uugali ng isang tao. Karaniwan itong "pagbebenta" ng mga impormasyon na maaaring bilhin o kaya naman ay hindi pansinin ng mga mambabasa.
Tekstong persweysib
Ginagamit ng may-akda upang kumbinsihin ang mga mambabasa na tama o tiyak ang kaniyang isinulat. Naglalahad ng mga pahayag na nakaaakit at nakahihikayat sa damdamin at isipan ng mga mambabasa sapagkat may sapat na ebidensiya o katibayan sa paglalahad ng paksa.
Layunin dito ng may-akda na maglahad ng isang paksa na kayang mapanindigan at maipagtanggol sa tulong ng mga patnubay at totoong datos upang tanggapin, makumbinsi, at mapaniwala ang mga mambabasa. Ang tekstong ito ay may pagkasubhetibo dahil ang tun ng paksa ay sariling paniniwala ng may-akda na lohikal na ipinaliwanag.
Tono ng tekstong nanghihikayat
Nangangaral
Nag-uuram
Naghahamon
Nagagalit
Nambabatikos
Natatakot
Nasisiyahan
Nalulungkot
Nagpaparinig
Ethos
Tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat. Ang kaniyang sariling paniniwala, saloobin, damdamin, pag-uugali, at ideolohiya sa kaniyang paksang isinulat ay impluwensiya ng kaniyang karakter. Ginagamit upang makapagganyak o makahikayat ng mga kaisipan at kaugalian.
Logos
Pagiging rasyonal ng isang manunulat. Nangangailangan ito ng tiyak at rasyonal na katibayan upang makahikayat. Nauugnay sa mismong ginagamit na salita ng manunulat na tila may nais patunayan.
Pathos
Ang emosyon o damdamin tungkol sa isang paksa ay ang paraan na ginagamit ng may-akda upang mahikayat ang mga mambabasa. Nagagawa ng may-akda na mahikayat ang kaniyang mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalapat ng kaniyang saloobin, maging ito man ay galit, masaya, nangungutya, at iba pa sa teksto o paksang isinulat.
Mga elemento sa pagbuo ng isang mahusay na tekstong nanghihikayat
Pagbuo ng mga makatotohanang kaisipan
Pagtukoy ng damdamin, saloobin na may kaugnayan sa interes ng mga mambabasa
Pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang may katotohanan at damdamin
Pagbuo at pagpahayag ng kongklusyon
Pagpapaniwala sa mambabasa na ang kongklusyon ay mula sa napagkasunduang katotohanan
Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
Mga hakbang sa pagsulat ng tekstong nanghihikayat
Alamin ang layunin ng iyong isusulat
Pilin ang iyong posisyon
Pag-aralan ang iyong mga mambabasa
Saliksikin ang iong paksa
Alamin kung ang iyong mambabasa ay sasang-ayon sa yo, walang kinikilingan, o hindi sasang-ayon sa iyong posisyon
Alamin kung ano ang dapat mong isamang ebidensiya at ang pagkakasunod-sunod ng mga ito
Buuin mo ang iyong teksto
Sa pagsulat ng tekstong nanghihikayat, ang may-akda ay kailangang: (1) magkaroon ng isang matatag na opinyon na madaling matanggap ng mga mambabasa, (2) simulan ang pagsulat ng teksto sa mapanghikayat na panimula upang bigyang-pansin ng mga mambabasa, (3) maglahad ng mga ebidensiva na susuporta sa isiniwalat na opinyon, at (4) pagtibayin ang pahayag sa kung ano ang nais na paniwalaan ng mga mambabasa.
Mga katangian ng tekstong nanghihikayat
May personal na karanasan
May humor o katatawanan
May katotohanan at mga estadistika
Sumasagot sa argumento
May hamon
May panimula, katawan, at kongklusyon
Ang mga hakbang sa pagsulat ng tekstong nanghihikayat ay laging isinalang-alang ang mga katangian nito