basa lesson 2

Cards (27)

  • Panunuri
    ay isang disiplinadong pagtatangka para maunawaan at mabigyang halaga ang akdang pampanitikan.
  • Alejandro
    Ayon niya (1972), ang pagsusuri o pamumuna ay pagmalas sa isang bagay sa tunay na kalikasan nito, isang walang pagkiling na pagsisikap na matutunan at mapalaganap ang pinakamabuting nalaman at naisip na nasa sandaigdigan.
  • Bisa sa Damdamin
    Bisang nananawagan sa ating pandamdam. Pumupukaw ito o tahasang nagpapahiwatig ng damdaming ibig ipahatid sa mambabasa. Sa pagbabasa ng akda nakaramdam ba ng galit, poot, pagkahabag, panlulumo o kasayahan ang mambabasa.
  • Bisa sa Isip
    Katangiang taglay ng isang akdang nagbubunsod upang mag-isip, nang sa gayo'y mapaunlad at mapayaman ang pagkukuro, diwa o kaisipan ng mambabasa. Nagpapagalaw ito ng imahinasyon, naghahasa ng isipan ng mga mambabasa.
  • Bisa sa Asal
    Bisang taglay ng isang akda na may kaugnayan sa ating gawi. Tinutuwid nito ang ating buhay ayon sa kabutihan at sa halimbawang ipinamalas ng Dakilang
    Lumikha. Hinihimok nito ang mambabasa upang magsagawa nang mabuti.
    Itinutuwid ang dating baluktot na gawaing nakagawian na.
  • Bisang Panlipunan
    Ito ay katangian ng akda na may kaugnayan sa tamang paghubog sa katauhan ng mga tao sa lipunan kung ang lahat ay makabasa at makaunawa sa nais ipahiwatig ng may-akda.
  • Layunin
    tumutukoy ito sa kung ano ang nasa akda gaya ng nagbibigay
    impormasyon, naghahatid ng lugod o kasiyahan, nangangaral o nagbibigay panuto.
  • Tema
    maaaring pag-ibig sa Diyos, sa Inang Bayan, sa kapwa-tao, sa kalikasan, sa mga bagay na may kahalagahan, sa mga pangyayari sa kapaligiran atbp.
  • Tono
    kung ano ang ginagawa ng akda. Nagpapatawa, nanunuya o
    nangungutya, nagbibiro o seryoso.
  • Markismo
    layunin nito na ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang- ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika.
  • Imahismo
    layunin nito ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
  • Klasismo
    layunin nito ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan.
  • Realismo
    layunin nito ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may- akda sa kanyang lipunan.
  • Romantisismo
    layunin ng teoryang ito na ipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
  • Humanismo
    Layunin ng teoryang ito na ipakita na tao ang sentro ng mundo.
  • Eksistensyalismo
    ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ay may kalayaang pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na tinuturing na pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human existence).
  • Formalistiko
    Layunin ng panitikan na iparating sa mga mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Walang simbolismo na nakapaloob dito at hindi humihingi ng malalimang pagsusuri at pang-unawa. Ang tuon ng pagsusuri ay sa istruktura o porma ng akda.
  • Naturalismo
    sa teoryang ito itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalaban-labang mga tao.
  • Arkitaypal
    ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo.
  • Sosyolohikal
    ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.
  • Feminismo
    ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa kababaihan.
  • Sikolohikal
    ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salik (factor) sa pagbuo ng naturang "behavior" (pag- uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda Ipinapakita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong "behavior" dahil may nag-udyok na mabago o manuo nito
  • Moralistiko
    layunin ng panitikan na ipakita ang pagtutunggali ng mabuti sa masama, ng tama sa mali.
  • Queer
    layunin ng panitikan na iangat at pagpantayin ang paningin ng
    lipunan sa mga homosexual.
  • 3 Bisa sa Pagsusuri ng Panitikan
    Bisa sa Asal, Bisa sa Isip, Bisa sa Damdamin
  • Pelikula
    Isang kagamitang tanaw-dinig na may layuning pang edukasyunal
  • Tauhan, Istorya o Kwento, Pananalita, Tema o Paksa, Pamagat, Cinematograpo, Aspektong teknikal
    Mga dapat isaalang-alang sa panunuring pampelikula