Maaaring magkaiba- iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat. Maaaring ang layunin niyang mapalawak pa ang kaalaman ukol sa isang paksa; maunawaan ang mga bagay na mahirap ipaliwanag; matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo.; magsaliksik; at mailahad ang mga yugto sa buhay ng iba't ibang uri ng insekto, hayop at iba pang nabubuhay.
Pangunahing Ideya
Dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya mambabasa. Nagagawa ito sa sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi- tinatawag din itong organized markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
Pantulong kaisipan
Mahalaga rin ang paglalagay ng angkop na mga pantulong kaisipan o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang nais matanim o maiwan sa kanila
Mga istilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang diin-
Makatutlong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mas malawak na pag-unawa sa binasabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitang/sangguniiang magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng mga sumusunod: