March Monthly Exam

Cards (44)

  • Isang paraan ng pagsasalita sa madla o sa harap ng maraming tao ay tinatawag na talumpati.
  • Ang pagtatalumpati ay sining ng pagpapahayag na tumatalakay sa isang mahalagang paksa na may layuning magbigay kaalaman, magmulat at manghikayat.
  • Ang talumpati ay isang uri ng pagpapahayag na binibigkas sa harap ng publiko.
  • Ang talumpati ay isang paraan para magtawid sa iba ng kaalaman, ideolohiya, pananaw, prinsipyo, o simpleng kaisipan.
  • Impormatibo - naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa.
  • Nanghihikayat kapag ang layunin ay hikayatin ang tagapakinig na magsagawa ng isang partikular na kilos o kaya hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita.
  • Mang-aliw kung nais ay manlibang sa mga tagapakinig.
  • Okasyonal kung isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon o pagdiriwang.
  • Impromptu - halos walang paghahanda sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati
  • Extemporaneous - nagmumukha lamang walang paghahanda, pinaghahandaan sa pamamagitan ng pagsulat ng speech plan upang maging epektibo ang pagbigkas.
  • Dalawang uri ng talumpati ay ang Kahandaan at Layunin
  • Uri ng talumpati ayon sa layunin?
    Impormatibo
    Nanghihikayat
    Okasyonal
    Manlibang
  • Uri ng talumpati ayon sa Kahandaan?
    Extemporaneous
    Impromptu
  • Proseso sa pagsulat ng talumpati?
    Paghahanda
    Pag-unlad
    Kasukdulan
    Pagbaba
  • Sa paghahanda, mahalagang mapukaw ang atensiyon ng tagapakinig sa unang pangungusap pa lamang.
  • Pag-unlad - Huwag iwan o bibitawan ang tagapakinig sa kalagitnaan ng paglalakbay.
  • Pag-unlad - nakatutok ang atensiyon nila. Lumikha ng tensiyon, magkuwento, magbigay ng mga halimbawa, maghambing at magtambis, o gumamit ng nmga tayutay at mga talinghagang bukambibig. Sa paraang ito, hindi aalis ang tagapakinig.
  • Kasukdulan - Ito ang pagkakataong narating na kasama ang tagapakinig ang tuktok ng bundok.
  • Kasukdulan - Inilalahad ang pinakamahalagang mensahe ng talumpati. Ito rin ang bahaging pinakamatindi na ang emosyon.
  • Isa ang pagbaba sa pinakamahirap na bahagi ng pagsulat ng talumpati.
  • Gabay sa Pagsulat ng Talumpati?
    Tuon
    Tagapakinig
    Pagsulat
    Pagsasanay
  • Bago Sumulat?

    Pag-isipan anong okasyon
    Alamin ang iyong tagapakinig
    Gumawa ng balangkas ng iyong talumpati
  • Habang Sumusulat?

    Magsimula sa paraang makakakuha ng atensyon ng tagapakinig
    Gumamit ng mga salitang madaling maunawaan ng iyong mga tagapakinig
    Maaaring magsimula sa isang retorikal na tanong, isang anekdota, isang kasabihan o siping pahayag mula sa isang personalidad na kilala nila o may kauganayan sa iyong paksa
    . Organisahinangkatawan ng iyongtalumpatisatulong ng inihandangbalangkas. Iwasang lunurin sa napakaraming impormasyon ang tagapakinig
    kinakailangang tumatak sa isipan ng iyong mga tagapakinig ang wakas ng iyong talumpati.
  • Pagkatapos Sumulat
    Basahin ang nabuong talumpati
  • Ang agenda ay listahan ng mga tatalakayin na nakaayon sa tamang pagkakasunod-sunod.
  • Layunin ng agenda na magbigyan ng ideya ang mga kalahok sa mga paksang tatalakayin at sa mga usaping nangangailangan ng atensyon.
  • Presidente, CEO, direktor, tagamahala, pinuno ng unyon, at iba pa) ang responsable sa pagsulat ng agenda.
  • Nilalaman ng mga Adyenda?
    Lugar at Oras ng kaganapan
    Layuning nais matamo
    Mga paksang tatalakayin
  • Hakbang sa paggawa ng adyenda?

    Magpadala ng memo
    Ilahad sa memo na kailangan lagdaan bilang katunayan ng pagdalo
    Gumawa ng balangkas na tatalakayin
    Ipadala ang sipi ng adyenda
    Sundin at gamitin ang adyenda
  • Ang dokumentong nagtatala ng mahalagang diskusyon at desisyon ay tinatawag na katitikan ng pulong.
  • Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong?

    Upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong, nakadalo o di-nakadalo, ang mga nangyari dito
    Nagsisilbing permanent record
    maaaring magkaroon ng nahahawakang kopya ng mga nangyaring komunikasyon. Sa paglipas ng panahon, maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan ang isang katitikan ng pulong.
  • Kahalagahan ng Katitikan ng Pulong?

    Hanguan ng impormasyon para sa susunod na pagpupulong
    Batayan ng kagalingan ng isang indibidwal
    Upang ipaalala ang responsibilidad
  • Ulat ng Katitikan- lahat ng detalyeng napag- usapan sa pulong ay nakatala.
  • Salaysay ng Katitikan- isinasalaysay lamang ang mahalagang detalye ng pulong.
  • Resolusyon ng Katitikan- nakasaad lamang ang lahat ng isyung napagkasunduan.
  • Uri ng katitikan ng pulong?
    Ulat ng Katitikan
    Salaysay ng Katitikan
    Resolusyon ng Katitikan
  • Heading - naglalaman ng pangalan ng kompanya, petsa, lokasyo, at oras ng pagsisimula ng pulong
  • Mga lumahok o dumalo - naglalaman ng mga pangalan ng mga dumalo at lumiban sa pagpupulong
  • Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong - makikita kung napagtibay o may pagbabagong ginawa sa mga ito
  • Action items o usaping napagkasunduan - makikita ang mahalagang tala hinggil sa paksang tinalakay